욥기 37장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 24절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso, at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako. | At this also my heart trembleth, and is moved out of his place. |
| 2 | Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig, at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig. | Hear attentively the noise of his voice, and the sound that goeth out of his mouth. |
| 3 | Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa. | He directeth it under the whole heaven, and his lightning unto the ends of the earth. |
| 4 | Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong; siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan: at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig. | After it a voice roareth: he thundereth with the voice of his excellency; and he will not stay them when his voice is heard. |
| 5 | Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas. | God thundereth marvellously with his voice; great things doeth he, which we cannot comprehend. |
| 6 | Sapagka't sinabi niya sa nieve, Lumagpak ka sa lupa; gayon din sa ambon, at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan, | For he saith to the snow, Be thou on the earth; likewise to the small rain, and to the great rain of his strength. |
| 7 | Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang. | He sealeth up the hand of every man; that all men may know his work. |
| 8 | Kung gayo'y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga, at namamalagi sa kanilang mga tahanan. | Then the beasts go into dens, and remain in their places. |
| 9 | Mula sa timog nanggagaling ang bagyo: at ang ginaw ay mula sa hilagaan. | Out of the south cometh the whirlwind: and cold out of the north. |
| 10 | Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo: at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit. | By the breath of God frost is given: and the breadth of the waters is straitened. |
| 11 | Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat: | Also by watering he wearieth the thick cloud: he scattereth his bright cloud: |
| 12 | At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay, upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila, sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan: | And it is turned round about by his counsels: that they may do whatsoever he commandeth them upon the face of the world in the earth. |
| 13 | Maging sa saway, o maging sa kaniyang lupain, o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya. | He causeth it to come, whether for correction, or for his land, or for mercy. |
| 14 | Dinggin mo ito, Oh Job: Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios. | Hearken unto this, O Job: stand still, and consider the wondrous works of God. |
| 15 | Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios, at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap? | Dost thou know when God disposed them, and caused the light of his cloud to shine? |
| 16 | Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap, ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman? | Dost thou know the balancings of the clouds, the wondrous works of him which is perfect in knowledge? |
| 17 | Paanong umiinit ang inyong mga suot, pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan? | How thy garments are warm, when he quieteth the earth by the south wind? |
| 18 | Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo? | Hast thou with him spread out the sky, which is strong, and as a molten looking glass? |
| 19 | Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya; sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman. | Teach us what we shall say unto him; for we cannot order our speech by reason of darkness. |
| 20 | Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita? O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin. | Shall it be told him that I speak? if a man speak, surely he shall be swallowed up. |
| 21 | At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit: nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon. | And now men see not the bright light which is in the clouds: but the wind passeth, and cleanseth them. |
| 22 | Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan. | Fair weather cometh out of the north: with God is terrible majesty. |
| 23 | Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, hindi natin mauunawa; siya'y marilag sa kapangyarihan; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati. | Touching the Almighty, we cannot find him out: he is excellent in power, and in judgment, and in plenty of justice: he will not afflict. |
| 24 | Kinatatakutan nga siya ng mga tao: hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso. | Men do therefore fear him: he respecteth not any that are wise of heart. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL