욥기 38장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 41절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, | Then the Lord answered Job out of the whirlwind, and said, |
| 2 | Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? | Who is this that darkeneth counsel by words without knowledge? |
| 3 | Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. | Gird up now thy loins like a man; for I will demand of thee, and answer thou me. |
| 4 | Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. | Where wast thou when I laid the foundations of the earth? declare, if thou hast understanding. |
| 5 | Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? | Who hath laid the measures thereof, if thou knowest? or who hath stretched the line upon it? |
| 6 | Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; | Whereupon are the foundations thereof fastened? or who laid the corner stone thereof; |
| 7 | Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? | When the morning stars sang together, and all the sons of God shouted for joy? |
| 8 | O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata? | Or who shut up the sea with doors, when it brake forth, as if it had issued out of the womb? |
| 9 | Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, | When I made the cloud the garment thereof, and thick darkness a swaddlingband for it, |
| 10 | At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, | And brake up for it my decreed place, and set bars and doors, |
| 11 | At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? | And said, Hitherto shalt thou come, but no further: and here shall thy proud waves be stayed? |
| 12 | Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; | Hast thou commanded the morning since thy days; and caused the dayspring to know his place; |
| 13 | Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon? | That it might take hold of the ends of the earth, that the wicked might be shaken out of it? |
| 14 | Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: | It is turned as clay to the seal; and they stand as a garment. |
| 15 | At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali. | And from the wicked their light is withholden, and the high arm shall be broken. |
| 16 | Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman? | Hast thou entered into the springs of the sea? or hast thou walked in the search of the depth? |
| 17 | Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? | Have the gates of death been opened unto thee? or hast thou seen the doors of the shadow of death? |
| 18 | Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. | Hast thou perceived the breadth of the earth? declare if thou knowest it all. |
| 19 | Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; | Where is the way where light dwelleth? and as for darkness, where is the place thereof, |
| 20 | Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? | That thou shouldest take it to the bound thereof, and that thou shouldest know the paths to the house thereof? |
| 21 | Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? | Knowest thou it, because thou wast then born? or because the number of thy days is great? |
| 22 | Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, | Hast thou entered into the treasures of the snow? or hast thou seen the treasures of the hail, |
| 23 | Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? | Which I have reserved against the time of trouble, against the day of battle and war? |
| 24 | Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? | By what way is the light parted, which scattereth the east wind upon the earth? |
| 25 | Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; | Who hath divided a watercourse for the overflowing of waters, or a way for the lightning of thunder; |
| 26 | Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. | To cause it to rain on the earth, where no man is; on the wilderness, wherein there is no man; |
| 27 | Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? | To satisfy the desolate and waste ground; and to cause the bud of the tender herb to spring forth? |
| 28 | May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? | Hath the rain a father? or who hath begotten the drops of dew? |
| 29 | Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? | Out of whose womb came the ice? and the hoary frost of heaven, who hath gendered it? |
| 30 | Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. | The waters are hid as with a stone, and the face of the deep is frozen. |
| 31 | Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? | Canst thou bind the sweet influences of Pleiades, or loose the bands of Orion? |
| 32 | Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? | Canst thou bring forth Mazzaroth in his season? or canst thou guide Arcturus with his sons? |
| 33 | Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? | Knowest thou the ordinances of heaven? canst thou set the dominion thereof in the earth? |
| 34 | Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? | Canst thou lift up thy voice to the clouds, that abundance of waters may cover thee? |
| 35 | Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? | Canst thou send lightnings, that they may go, and say unto thee, Here we are? |
| 36 | Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? | Who hath put wisdom in the inward parts? or who hath given understanding to the heart? |
| 37 | Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, | Who can number the clouds in wisdom? or who can stay the bottles of heaven, |
| 38 | Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? | When the dust groweth into hardness, and the clods cleave fast together? |
| 39 | Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, | Wilt thou hunt the prey for the lion? or fill the appetite of the young lions, |
| 40 | Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? | When they couch in their dens, and abide in the covert to lie in wait? |
| 41 | Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain. | Who provideth for the raven his food? when his young ones cry unto God, they wander for lack of meat. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL