욥기 36장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 33절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi, | Elihu also proceeded, and said, |
| 2 | Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo; sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios. | Suffer me a little, and I will shew thee that I have yet to speak on God’s behalf. |
| 3 | Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo, at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin. | I will fetch my knowledge from afar, and will ascribe righteousness to my Maker. |
| 4 | Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan: Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo. | For truly my words shall not be false: he that is perfect in knowledge is with thee. |
| 5 | Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa. | Behold, God is mighty, and despiseth not any: he is mighty in strength and wisdom. |
| 6 | Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama: nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati. | He preserveth not the life of the wicked: but giveth right to the poor. |
| 7 | Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid: kundi kasama ng mga hari sa luklukan, kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas. | He withdraweth not his eyes from the righteous: but with kings are they on the throne; yea, he doth establish them for ever, and they are exalted. |
| 8 | At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian; | And if they be bound in fetters, and be holden in cords of affliction; |
| 9 | Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa, at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo. | Then he sheweth them their work, and their transgressions that they have exceeded. |
| 10 | Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo, at iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan. | He openeth also their ear to discipline, and commandeth that they return from iniquity. |
| 11 | Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan. | If they obey and serve him, they shall spend their days in prosperity, and their years in pleasures. |
| 12 | Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, at sila'y mangamamatay na walang kaalaman. | But if they obey not, they shall perish by the sword, and they shall die without knowledge. |
| 13 | Nguni't ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit: hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila. | But the hypocrites in heart heap up wrath: they cry not when he bindeth them. |
| 14 | Sila'y nangamamatay sa kabataan, at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi. | They die in youth, and their life is among the unclean. |
| 15 | Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati. | He delivereth the poor in his affliction, and openeth their ears in oppression. |
| 16 | Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan, hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan. | Even so would he have removed thee out of the strait into a broad place, where there is no straitness; and that which should be set on thy table should be full of fatness. |
| 17 | Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama: kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo. | But thou hast fulfilled the judgment of the wicked: judgment and justice take hold on thee. |
| 18 | Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan. | Because there is wrath, beware lest he take thee away with his stroke: then a great ransom cannot deliver thee. |
| 19 | Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan, O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan? | Will he esteem thy riches? no, not gold, nor all the forces of strength. |
| 20 | Huwag mong nasain ang gabi, pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako. | Desire not the night, when people are cut off in their place. |
| 21 | Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian. | Take heed, regard not iniquity: for this hast thou chosen rather than affliction. |
| 22 | Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya? | Behold, God exalteth by his power: who teacheth like him? |
| 23 | Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan? | Who hath enjoined him his way? or who can say, Thou hast wrought iniquity? |
| 24 | Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao. | Remember that thou magnify his work, which men behold. |
| 25 | Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo. | Every man may see it; man may behold it afar off. |
| 26 | Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon. | Behold, God is great, and we know him not, neither can the number of his years be searched out. |
| 27 | Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon: | For he maketh small the drops of water: they pour down rain according to the vapour thereof: |
| 28 | Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao. | Which the clouds do drop and distil upon man abundantly. |
| 29 | Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap, ng mga kulog ng kaniyang kulandong? | Also can any understand the spreadings of the clouds, or the noise of his tabernacle? |
| 30 | Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya; at inaapawan ang kalaliman ng dagat. | Behold, he spreadeth his light upon it, and covereth the bottom of the sea. |
| 31 | Sapagka't sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan; siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana. | For by them judgeth he the people; he giveth meat in abundance. |
| 32 | Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda. | With clouds he covereth the light; and commandeth it not to shine by the cloud that cometh betwixt. |
| 33 | Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya, ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating. | The noise thereof sheweth concerning it, the cattle also concerning the vapour. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL