잠언 9장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 18절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: | Wisdom hath builded her house, she hath hewn out her seven pillars: |
| 2 | Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. | She hath killed her beasts; she hath mingled her wine; she hath also furnished her table. |
| 3 | Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: | She hath sent forth her maidens: she crieth upon the highest places of the city, |
| 4 | Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: | Whoso is simple, let him turn in hither: as for him that wanteth understanding, she saith to him, |
| 5 | Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. | Come, eat of my bread, and drink of the wine which I have mingled. |
| 6 | Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. | Forsake the foolish, and live; and go in the way of understanding. |
| 7 | Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. | He that reproveth a scorner getteth to himself shame: and he that rebuketh a wicked man getteth himself a blot. |
| 8 | Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka. | Reprove not a scorner, lest he hate thee: rebuke a wise man, and he will love thee. |
| 9 | Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto. | Give instruction to a wise man, and he will be yet wiser: teach a just man, and he will increase in learning. |
| 10 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. | The fear of the Lord is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding. |
| 11 | Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. | For by me thy days shall be multiplied, and the years of thy life shall be increased. |
| 12 | Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan. | If thou be wise, thou shalt be wise for thyself: but if thou scornest, thou alone shalt bear it. |
| 13 | Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y musmos at walang nalalaman. | A foolish woman is clamorous: she is simple, and knoweth nothing. |
| 14 | At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, | For she sitteth at the door of her house, on a seat in the high places of the city, |
| 15 | Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad: | To call passengers who go right on their ways: |
| 16 | Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: | Whoso is simple, let him turn in hither: and as for him that wanteth understanding, she saith to him, |
| 17 | Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap. | Stolen waters are sweet, and bread eaten in secret is pleasant. |
| 18 | Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol. | But he knoweth not that the dead are there; and that her guests are in the depths of hell. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL