잠언 10장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 32절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina. | The proverbs of Solomon. A wise son maketh a glad father: but a foolish son is the heaviness of his mother. |
| 2 | Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. | Treasures of wickedness profit nothing: but righteousness delivereth from death. |
| 3 | Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama. | The Lord will not suffer the soul of the righteous to famish: but he casteth away the substance of the wicked. |
| 4 | Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag. | He becometh poor that dealeth with a slack hand: but the hand of the diligent maketh rich. |
| 5 | Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya. | He that gathereth in summer is a wise son: but he that sleepeth in harvest is a son that causeth shame. |
| 6 | Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. | Blessings are upon the head of the just: but violence covereth the mouth of the wicked. |
| 7 | Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam. | The memory of the just is blessed: but the name of the wicked shall rot. |
| 8 | Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. | The wise in heart will receive commandments: but a prating fool shall fall. |
| 9 | Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala. | He that walketh uprightly walketh surely: but he that perverteth his ways shall be known. |
| 10 | Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. | He that winketh with the eye causeth sorrow: but a prating fool shall fall. |
| 11 | Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. | The mouth of a righteous man is a well of life: but violence covereth the mouth of the wicked. |
| 12 | Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang. | Hatred stirreth up strifes: but love covereth all sins. |
| 13 | Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa. | In the lips of him that hath understanding wisdom is found: but a rod is for the back of him that is void of understanding. |
| 14 | Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak. | Wise men lay up knowledge: but the mouth of the foolish is near destruction. |
| 15 | Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan. | The rich man’s wealth is his strong city: the destruction of the poor is their poverty. |
| 16 | Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala. | The labour of the righteous tendeth to life: the fruit of the wicked to sin. |
| 17 | Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali. | He is in the way of life that keepeth instruction: but he that refuseth reproof erreth. |
| 18 | Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang. | He that hideth hatred with lying lips, and he that uttereth a slander, is a fool. |
| 19 | Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan. | In the multitude of words there wanteth not sin: but he that refraineth his lips is wise. |
| 20 | Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga. | The tongue of the just is as choice silver: the heart of the wicked is little worth. |
| 21 | Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa. | The lips of the righteous feed many: but fools die for want of wisdom. |
| 22 | Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan. | The blessing of the Lord, it maketh rich, and he addeth no sorrow with it. |
| 23 | Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa. | It is as sport to a fool to do mischief: but a man of understanding hath wisdom. |
| 24 | Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob. | The fear of the wicked, it shall come upon him: but the desire of the righteous shall be granted. |
| 25 | Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan. | As the whirlwind passeth, so is the wicked no more: but the righteous is an everlasting foundation. |
| 26 | Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya. | As vinegar to the teeth, and as smoke to the eyes, so is the sluggard to them that send him. |
| 27 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti. | The fear of the Lord prolongeth days: but the years of the wicked shall be shortened. |
| 28 | Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala. | The hope of the righteous shall be gladness: but the expectation of the wicked shall perish. |
| 29 | Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. | The way of the Lord is strength to the upright: but destruction shall be to the workers of iniquity. |
| 30 | Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain. | The righteous shall never be removed: but the wicked shall not inhabit the earth. |
| 31 | Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay. | The mouth of the just bringeth forth wisdom: but the froward tongue shall be cut out. |
| 32 | Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan. | The lips of the righteous know what is acceptable: but the mouth of the wicked speaketh frowardness. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL