잠언 8장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 36절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? | Doth not wisdom cry? and understanding put forth her voice? |
| 2 | Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; | She standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths. |
| 3 | Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: | She crieth at the gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors. |
| 4 | Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. | Unto you, O men, I call; and my voice is to the sons of man. |
| 5 | Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. | O ye simple, understand wisdom: and, ye fools, be ye of an understanding heart. |
| 6 | Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, | Hear; for I will speak of excellent things; and the opening of my lips shall be right things. |
| 7 | Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. | For my mouth shall speak truth; and wickedness is an abomination to my lips. |
| 8 | Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. | All the words of my mouth are in righteousness; there is nothing froward or perverse in them. |
| 9 | Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. | They are all plain to him that understandeth, and right to them that find knowledge. |
| 10 | Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. | Receive my instruction, and not silver; and knowledge rather than choice gold. |
| 11 | Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. | For wisdom is better than rubies; and all the things that may be desired are not to be compared to it. |
| 12 | Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. | I wisdom dwell with prudence, and find out knowledge of witty inventions. |
| 13 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. | The fear of the Lord is to hate evil: pride, and arrogancy, and the evil way, and the froward mouth, do I hate. |
| 14 | Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, | Counsel is mine, and sound wisdom: I am understanding; I have strength. |
| 15 | Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. | By me kings reign, and princes decree justice. |
| 16 | Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. | By me princes rule, and nobles, even all the judges of the earth. |
| 17 | Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. | I love them that love me; and those that seek me early shall find me. |
| 18 | Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. | Riches and honour are with me; yea, durable riches and righteousness. |
| 19 | Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. | My fruit is better than gold, yea, than fine gold; and my revenue than choice silver. |
| 20 | Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan: | I lead in the way of righteousness, in the midst of the paths of judgment: |
| 21 | Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. | That I may cause those that love me to inherit substance; and I will fill their treasures. |
| 22 | Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. | The Lord possessed me in the beginning of his way, before his works of old. |
| 23 | Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. | I was set up from everlasting, from the beginning, or ever the earth was. |
| 24 | Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. | When there were no depths, I was brought forth; when there were no fountains abounding with water. |
| 25 | Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: | Before the mountains were settled, before the hills was I brought forth: |
| 26 | Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. | While as yet he had not made the earth, nor the fields, nor the highest part of the dust of the world. |
| 27 | Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: | When he prepared the heavens, I was there: when he set a compass upon the face of the depth: |
| 28 | Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: | When he established the clouds above: when he strengthened the fountains of the deep: |
| 29 | Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: | When he gave to the sea his decree, that the waters should not pass his commandment: when he appointed the foundations of the earth: |
| 30 | Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; | Then I was by him, as one brought up with him: and I was daily his delight, rejoicing always before him; |
| 31 | Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. | Rejoicing in the habitable part of his earth; and my delights were with the sons of men. |
| 32 | Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. | Now therefore hearken unto me, O ye children: for blessed are they that keep my ways. |
| 33 | Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, at huwag ninyong tanggihan. | Hear instruction, and be wise, and refuse it not. |
| 34 | Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. | Blessed is the man that heareth me, watching daily at my gates, waiting at the posts of my doors. |
| 35 | Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. | For whoso findeth me findeth life, and shall obtain favour of the Lord. |
| 36 | Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan. | But he that sinneth against me wrongeth his own soul: all they that hate me love death. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL