잠언 7장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 27절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. | My son, keep my words, and lay up my commandments with thee. |
| 2 | Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. | Keep my commandments, and live; and my law as the apple of thine eye. |
| 3 | Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. | Bind them upon thy fingers, write them upon the table of thine heart. |
| 4 | Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: | Say unto wisdom, Thou art my sister; and call understanding thy kinswoman: |
| 5 | Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita. | That they may keep thee from the strange woman, from the stranger which flattereth with her words. |
| 6 | Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia; | For at the window of my house I looked through my casement, |
| 7 | At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait, | And beheld among the simple ones, I discerned among the youths, a young man void of understanding, |
| 8 | Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay; | Passing through the street near her corner; and he went the way to her house, |
| 9 | Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman. | In the twilight, in the evening, in the black and dark night: |
| 10 | At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso. | And, behold, there met him a woman with the attire of an harlot, and subtil of heart. |
| 11 | Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay: | (She is loud and stubborn; her feet abide not in her house: |
| 12 | Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok, | Now is she without, now in the streets, and lieth in wait at every corner.) |
| 13 | Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya: | So she caught him, and kissed him, and with an impudent face said unto him, |
| 14 | Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata. | I have peace offerings with me; this day have I payed my vows. |
| 15 | Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita. | Therefore came I forth to meet thee, diligently to seek thy face, and I have found thee. |
| 16 | Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto. | I have decked my bed with coverings of tapestry, with carved works, with fine linen of Egypt. |
| 17 | At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo. | I have perfumed my bed with myrrh, aloes, and cinnamon. |
| 18 | Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan. | Come, let us take our fill of love until the morning: let us solace ourselves with loves. |
| 19 | Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo: | For the goodman is not at home, he is gone a long journey: |
| 20 | Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan. | He hath taken a bag of money with him, and will come home at the day appointed. |
| 21 | Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi. | With her much fair speech she caused him to yield, with the flattering of her lips she forced him. |
| 22 | Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang; | He goeth after her straightway, as an ox goeth to the slaughter, or as a fool to the correction of the stocks; |
| 23 | Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay. | Till a dart strike through his liver; as a bird hasteth to the snare, and knoweth not that it is for his life. |
| 24 | Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig. | Hearken unto me now therefore, O ye children, and attend to the words of my mouth. |
| 25 | Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. | Let not thine heart decline to her ways, go not astray in her paths. |
| 26 | Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. | For she hath cast down many wounded: yea, many strong men have been slain by her. |
| 27 | Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. | Her house is the way to hell, going down to the chambers of death. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL