잠언 6장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala, | My son, if thou be surety for thy friend, if thou hast stricken thy hand with a stranger, |
| 2 | Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig. | Thou art snared with the words of thy mouth, thou art taken with the words of thy mouth. |
| 3 | Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa. | Do this now, my son, and deliver thyself, when thou art come into the hand of thy friend; go, humble thyself, and make sure thy friend. |
| 4 | Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata. | Give not sleep to thine eyes, nor slumber to thine eyelids. |
| 5 | Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag. | Deliver thyself as a roe from the hand of the hunter, and as a bird from the hand of the fowler. |
| 6 | Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka: | Go to the ant, thou sluggard; consider her ways, and be wise: |
| 7 | Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno, | Which having no guide, overseer, or ruler, |
| 8 | Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani. | Provideth her meat in the summer, and gathereth her food in the harvest. |
| 9 | Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog? | How long wilt thou sleep, O sluggard? when wilt thou arise out of thy sleep? |
| 10 | Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: | Yet a little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to sleep: |
| 11 | Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata. | So shall thy poverty come as one that travelleth, and thy want as an armed man. |
| 12 | Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig; | A naughty person, a wicked man, walketh with a froward mouth. |
| 13 | Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri; | He winketh with his eyes, he speaketh with his feet, he teacheth with his fingers; |
| 14 | Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo. | Frowardness is in his heart, he deviseth mischief continually; he soweth discord. |
| 15 | Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan. | Therefore shall his calamity come suddenly; suddenly shall he be broken without remedy. |
| 16 | May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: | These six things doth the Lord hate: yea, seven are an abomination unto him: |
| 17 | Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; | A proud look, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, |
| 18 | Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; | An heart that deviseth wicked imaginations, feet that be swift in running to mischief, |
| 19 | Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. | A false witness that speaketh lies, and he that soweth discord among brethren. |
| 20 | Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: | My son, keep thy father’s commandment, and forsake not the law of thy mother: |
| 21 | Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg. | Bind them continually upon thine heart, and tie them about thy neck. |
| 22 | Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. | When thou goest, it shall lead thee; when thou sleepest, it shall keep thee; and when thou awakest, it shall talk with thee. |
| 23 | Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay: | For the commandment is a lamp; and the law is light; and reproofs of instruction are the way of life: |
| 24 | Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala. | To keep thee from the evil woman, from the flattery of the tongue of a strange woman. |
| 25 | Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata. | Lust not after her beauty in thine heart; neither let her take thee with her eyelids. |
| 26 | Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay. | For by means of a whorish woman a man is brought to a piece of bread: and the adulteress will hunt for the precious life. |
| 27 | Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot? | Can a man take fire in his bosom, and his clothes not be burned? |
| 28 | O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso? | Can one go upon hot coals, and his feet not be burned? |
| 29 | Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan. | So he that goeth in to his neighbour’s wife; whosoever toucheth her shall not be innocent. |
| 30 | Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom: | Men do not despise a thief, if he steal to satisfy his soul when he is hungry; |
| 31 | Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay. | But if he be found, he shall restore sevenfold; he shall give all the substance of his house. |
| 32 | Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa. | But whoso committeth adultery with a woman lacketh understanding: he that doeth it destroyeth his own soul. |
| 33 | Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi. | A wound and dishonour shall he get; and his reproach shall not be wiped away. |
| 34 | Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti. | For jealousy is the rage of a man: therefore he will not spare in the day of vengeance. |
| 35 | Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol. | He will not regard any ransom; neither will he rest content, though thou givest many gifts. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL