잠언 5장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 23절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: | My son, attend unto my wisdom, and bow thine ear to my understanding: |
| 2 | Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. | That thou mayest regard discretion, and that thy lips may keep knowledge. |
| 3 | Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: | For the lips of a strange woman drop as an honeycomb, and her mouth is smoother than oil: |
| 4 | Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. | But her end is bitter as wormwood, sharp as a twoedged sword. |
| 5 | Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; | Her feet go down to death; her steps take hold on hell. |
| 6 | Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman. | Lest thou shouldest ponder the path of life, her ways are moveable, that thou canst not know them. |
| 7 | Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig. | Hear me now therefore, O ye children, and depart not from the words of my mouth. |
| 8 | Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: | Remove thy way far from her, and come not nigh the door of her house: |
| 9 | Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik: | Lest thou give thine honour unto others, and thy years unto the cruel: |
| 10 | Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid; | Lest strangers be filled with thy wealth; and thy labours be in the house of a stranger; |
| 11 | At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, | And thou mourn at the last, when thy flesh and thy body are consumed, |
| 12 | At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: | And say, How have I hated instruction, and my heart despised reproof; |
| 13 | Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin! | And have not obeyed the voice of my teachers, nor inclined mine ear to them that instructed me! |
| 14 | Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan. | I was almost in all evil in the midst of the congregation and assembly. |
| 15 | Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. | Drink waters out of thine own cistern, and running waters out of thine own well. |
| 16 | Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? | Let thy fountains be dispersed abroad, and rivers of waters in the streets. |
| 17 | Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo. | Let them be only thine own, and not strangers’ with thee. |
| 18 | Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. | Let thy fountain be blessed: and rejoice with the wife of thy youth. |
| 19 | Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. | Let her be as the loving hind and pleasant roe; let her breasts satisfy thee at all times; and be thou ravished always with her love. |
| 20 | Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala? | And why wilt thou, my son, be ravished with a strange woman, and embrace the bosom of a stranger? |
| 21 | Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. | For the ways of man are before the eyes of the Lord, and he pondereth all his goings. |
| 22 | Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan. | His own iniquities shall take the wicked himself, and he shall be holden with the cords of his sins. |
| 23 | Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya. | He shall die without instruction; and in the greatness of his folly he shall go astray. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL