잠언 4장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 27절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: | Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding. |
| 2 | Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. | For I give you good doctrine, forsake ye not my law. |
| 3 | Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. | For I was my father’s son, tender and only beloved in the sight of my mother. |
| 4 | At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: | He taught me also, and said unto me, Let thine heart retain my words: keep my commandments, and live. |
| 5 | Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: | Get wisdom, get understanding: forget it not; neither decline from the words of my mouth. |
| 6 | Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya. | Forsake her not, and she shall preserve thee: love her, and she shall keep thee. |
| 7 | Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. | Wisdom is the principal thing; therefore get wisdom: and with all thy getting get understanding. |
| 8 | Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. | Exalt her, and she shall promote thee: she shall bring thee to honour, when thou dost embrace her. |
| 9 | Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo. | She shall give to thine head an ornament of grace: a crown of glory shall she deliver to thee. |
| 10 | Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. | Hear, O my son, and receive my sayings; and the years of thy life shall be many. |
| 11 | Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. | I have taught thee in the way of wisdom; I have led thee in right paths. |
| 12 | Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. | When thou goest, thy steps shall not be straitened; and when thou runnest, thou shalt not stumble. |
| 13 | Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay. | Take fast hold of instruction; let her not go: keep her; for she is thy life. |
| 14 | Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. | Enter not into the path of the wicked, and go not in the way of evil men. |
| 15 | Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka. | Avoid it, pass not by it, turn from it, and pass away. |
| 16 | Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal. | For they sleep not, except they have done mischief; and their sleep is taken away, unless they cause some to fall. |
| 17 | Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan. | For they eat the bread of wickedness, and drink the wine of violence. |
| 18 | Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. | But the path of the just is as the shining light, that shineth more and more unto the perfect day. |
| 19 | Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. | The way of the wicked is as darkness: they know not at what they stumble. |
| 20 | Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. | My son, attend to my words; incline thine ear unto my sayings. |
| 21 | Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. | Let them not depart from thine eyes; keep them in the midst of thine heart. |
| 22 | Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan. | For they are life unto those that find them, and health to all their flesh. |
| 23 | Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay, | Keep thy heart with all diligence; for out of it are the issues of life. |
| 24 | Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. | Put away from thee a froward mouth, and perverse lips put far from thee. |
| 25 | Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. | Let thine eyes look right on, and let thine eyelids look straight before thee. |
| 26 | Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad. | Ponder the path of thy feet, and let all thy ways be established. |
| 27 | Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan. | Turn not to the right hand nor to the left: remove thy foot from evil. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL