잠언 3장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: | My son, forget not my law; but let thine heart keep my commandments: |
| 2 | Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. | For length of days, and long life, and peace, shall they add to thee. |
| 3 | Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: | Let not mercy and truth forsake thee: bind them about thy neck; write them upon the table of thine heart: |
| 4 | Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. | So shalt thou find favour and good understanding in the sight of God and man. |
| 5 | Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: | Trust in the Lord with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. |
| 6 | Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. | In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths. |
| 7 | Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: | Be not wise in thine own eyes: fear the Lord, and depart from evil. |
| 8 | Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto. | It shall be health to thy navel, and marrow to thy bones. |
| 9 | Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: | Honour the Lord with thy substance, and with the firstfruits of all thine increase: |
| 10 | Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. | So shall thy barns be filled with plenty, and thy presses shall burst out with new wine. |
| 11 | Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: | My son, despise not the chastening of the Lord; neither be weary of his correction: |
| 12 | Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. | For whom the Lord loveth he correcteth; even as a father the son in whom he delighteth. |
| 13 | Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. | Happy is the man that findeth wisdom, and the man that getteth understanding. |
| 14 | Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. | For the merchandise of it is better than the merchandise of silver, and the gain thereof than fine gold. |
| 15 | Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, | She is more precious than rubies: and all the things thou canst desire are not to be compared unto her. |
| 16 | Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. | Length of days is in her right hand; and in her left hand riches and honour. |
| 17 | Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. | Her ways are ways of pleasantness, and all her paths are peace. |
| 18 | Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. | She is a tree of life to them that lay hold upon her: and happy is every one that retaineth her. |
| 19 | Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. | The Lord by wisdom hath founded the earth; by understanding hath he established the heavens. |
| 20 | Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. | By his knowledge the depths are broken up, and the clouds drop down the dew. |
| 21 | Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; | My son, let not them depart from thine eyes: keep sound wisdom and discretion: |
| 22 | Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg. | So shall they be life unto thy soul, and grace to thy neck. |
| 23 | Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod. | Then shalt thou walk in thy way safely, and thy foot shall not stumble. |
| 24 | Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. | When thou liest down, thou shalt not be afraid: yea, thou shalt lie down, and thy sleep shall be sweet. |
| 25 | Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: | Be not afraid of sudden fear, neither of the desolation of the wicked, when it cometh. |
| 26 | Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. | For the Lord shall be thy confidence, and shall keep thy foot from being taken. |
| 27 | Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. | Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of thine hand to do it. |
| 28 | Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon. | Say not unto thy neighbour, Go, and come again, and to morrow I will give; when thou hast it by thee. |
| 29 | Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. | Devise not evil against thy neighbour, seeing he dwelleth securely by thee. |
| 30 | Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. | Strive not with a man without cause, if he have done thee no harm. |
| 31 | Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. | Envy thou not the oppressor, and choose none of his ways. |
| 32 | Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. | For the froward is abomination to the Lord: but his secret is with the righteous. |
| 33 | Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. | The curse of the Lord is in the house of the wicked: but he blesseth the habitation of the just. |
| 34 | Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. | Surely he scorneth the scorners: but he giveth grace unto the lowly. |
| 35 | Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang. | The wise shall inherit glory: but shame shall be the promotion of fools. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL