잠언 2장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos; | My son, if thou wilt receive my words, and hide my commandments with thee; |
| 2 | Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; | So that thou incline thine ear unto wisdom, and apply thine heart to understanding; |
| 3 | Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; | Yea, if thou criest after knowledge, and liftest up thy voice for understanding; |
| 4 | Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. | If thou seekest her as silver, and searchest for her as for hid treasures; |
| 5 | Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. | Then shalt thou understand the fear of the Lord, and find the knowledge of God. |
| 6 | Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan: | For the Lord giveth wisdom: out of his mouth cometh knowledge and understanding. |
| 7 | Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; | He layeth up sound wisdom for the righteous: he is a buckler to them that walk uprightly. |
| 8 | Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. | He keepeth the paths of judgment, and preserveth the way of his saints. |
| 9 | Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. | Then shalt thou understand righteousness, and judgment, and equity; yea, every good path. |
| 10 | Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; | When wisdom entereth into thine heart, and knowledge is pleasant unto thy soul; |
| 11 | Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo: | Discretion shall preserve thee, understanding shall keep thee: |
| 12 | Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; | To deliver thee from the way of the evil man, from the man that speaketh froward things; |
| 13 | Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; | Who leave the paths of uprightness, to walk in the ways of darkness; |
| 14 | Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, | Who rejoice to do evil, and delight in the frowardness of the wicked; |
| 15 | Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas: | Whose ways are crooked, and they froward in their paths: |
| 16 | Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; | To deliver thee from the strange woman, even from the stranger which flattereth with her words; |
| 17 | Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: | Which forsaketh the guide of her youth, and forgetteth the covenant of her God. |
| 18 | Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay: | For her house inclineth unto death, and her paths unto the dead. |
| 19 | Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: | None that go unto her return again, neither take they hold of the paths of life. |
| 20 | Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid. | That thou mayest walk in the way of good men, and keep the paths of the righteous. |
| 21 | Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon. | For the upright shall dwell in the land, and the perfect shall remain in it. |
| 22 | Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot. | But the wicked shall be cut off from the earth, and the transgressors shall be rooted out of it. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL