잠언 1장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 33절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: | The proverbs of Solomon the son of David, king of Israel; |
| 2 | Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; | To know wisdom and instruction; to perceive the words of understanding; |
| 3 | Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; | To receive the instruction of wisdom, justice, and judgment, and equity; |
| 4 | Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: | To give subtilty to the simple, to the young man knowledge and discretion. |
| 5 | Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: | A wise man will hear, and will increase learning; and a man of understanding shall attain unto wise counsels: |
| 6 | Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. | To understand a proverb, and the interpretation; the words of the wise, and their dark sayings. |
| 7 | Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. | The fear of the Lord is the beginning of knowledge: but fools despise wisdom and instruction. |
| 8 | Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: | My son, hear the instruction of thy father, and forsake not the law of thy mother: |
| 9 | Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. | For they shall be an ornament of grace unto thy head, and chains about thy neck. |
| 10 | Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. | My son, if sinners entice thee, consent thou not. |
| 11 | Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; | If they say, Come with us, let us lay wait for blood, let us lurk privily for the innocent without cause: |
| 12 | Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; | Let us swallow them up alive as the grave; and whole, as those that go down into the pit: |
| 13 | Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; | We shall find all precious substance, we shall fill our houses with spoil: |
| 14 | Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: | Cast in thy lot among us; let us all have one purse: |
| 15 | Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: | My son, walk not thou in the way with them; refrain thy foot from their path: |
| 16 | Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. | For their feet run to evil, and make haste to shed blood. |
| 17 | Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: | Surely in vain the net is spread in the sight of any bird. |
| 18 | At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. | And they lay wait for their own blood; they lurk privily for their own lives. |
| 19 | Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. | So are the ways of every one that is greedy of gain; which taketh away the life of the owners thereof. |
| 20 | Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; | Wisdom crieth without; she uttereth her voice in the streets: |
| 21 | Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: | She crieth in the chief place of concourse, in the openings of the gates: in the city she uttereth her words, saying, |
| 22 | Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? | How long, ye simple ones, will ye love simplicity? and the scorners delight in their scorning, and fools hate knowledge? |
| 23 | Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. | Turn you at my reproof: behold, I will pour out my spirit unto you, I will make known my words unto you. |
| 24 | Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; | Because I have called, and ye refused; I have stretched out my hand, and no man regarded; |
| 25 | Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: | But ye have set at nought all my counsel, and would none of my reproof: |
| 26 | Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; | I also will laugh at your calamity; I will mock when your fear cometh; |
| 27 | Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. | When your fear cometh as desolation, and your destruction cometh as a whirlwind; when distress and anguish cometh upon you. |
| 28 | Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: | Then shall they call upon me, but I will not answer; they shall seek me early, but they shall not find me: |
| 29 | Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. | For that they hated knowledge, and did not choose the fear of the Lord: |
| 30 | Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: | They would none of my counsel: they despised all my reproof. |
| 31 | Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. | Therefore shall they eat of the fruit of their own way, and be filled with their own devices. |
| 32 | Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. | For the turning away of the simple shall slay them, and the prosperity of fools shall destroy them. |
| 33 | Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan. | But whoso hearkeneth unto me shall dwell safely, and shall be quiet from fear of evil. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL