잠언 22장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 29절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto. | A good name is rather to be chosen than great riches, and loving favour rather than silver and gold. |
| 2 | Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat. | The rich and poor meet together: the Lord is the maker of them all. |
| 3 | Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis. | A prudent man foreseeth the evil, and hideth himself: but the simple pass on, and are punished. |
| 4 | Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay. | By humility and the fear of the Lord are riches, and honour, and life. |
| 5 | Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon. | Thorns and snares are in the way of the froward: he that doth keep his soul shall be far from them. |
| 6 | Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. | Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it. |
| 7 | Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram. | The rich ruleth over the poor, and the borrower is servant to the lender. |
| 8 | Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat. | He that soweth iniquity shall reap vanity: and the rod of his anger shall fail. |
| 9 | Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha. | He that hath a bountiful eye shall be blessed; for he giveth of his bread to the poor. |
| 10 | Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil. | Cast out the scorner, and contention shall go out; yea, strife and reproach shall cease. |
| 11 | Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari. | He that loveth pureness of heart, for the grace of his lips the king shall be his friend. |
| 12 | Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil. | The eyes of the Lord preserve knowledge, and he overthroweth the words of the transgressor. |
| 13 | Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan. | The slothful man saith, There is a lion without, I shall be slain in the streets. |
| 14 | Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon. | The mouth of strange women is a deep pit: he that is abhorred of the Lord shall fall therein. |
| 15 | Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway. | Foolishness is bound in the heart of a child; but the rod of correction shall drive it far from him. |
| 16 | Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang. | He that oppresseth the poor to increase his riches, and he that giveth to the rich, shall surely come to want. |
| 17 | Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. | Bow down thine ear, and hear the words of the wise, and apply thine heart unto my knowledge. |
| 18 | Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. | For it is a pleasant thing if thou keep them within thee; they shall withal be fitted in thy lips. |
| 19 | Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. | That thy trust may be in the Lord, I have made known to thee this day, even to thee. |
| 20 | Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman; | Have not I written to thee excellent things in counsels and knowledge, |
| 21 | Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo? | That I might make thee know the certainty of the words of truth; that thou mightest answer the words of truth to them that send unto thee? |
| 22 | Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: | Rob not the poor, because he is poor: neither oppress the afflicted in the gate: |
| 23 | Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila. | For the Lord will plead their cause, and spoil the soul of those that spoiled them. |
| 24 | Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: | Make no friendship with an angry man; and with a furious man thou shalt not go: |
| 25 | Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa. | Lest thou learn his ways, and get a snare to thy soul. |
| 26 | Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang: | Be not thou one of them that strike hands, or of them that are sureties for debts. |
| 27 | Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan? | If thou hast nothing to pay, why should he take away thy bed from under thee? |
| 28 | Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang. | Remove not the ancient landmark, which thy fathers have set. |
| 29 | Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak. | Seest thou a man diligent in his business? he shall stand before kings; he shall not stand before mean men. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL