잠언 23장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; | When thou sittest to eat with a ruler, consider diligently what is before thee: |
| 2 | At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. | And put a knife to thy throat, if thou be a man given to appetite. |
| 3 | Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. | Be not desirous of his dainties: for they are deceitful meat. |
| 4 | Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan. | Labour not to be rich: cease from thine own wisdom. |
| 5 | Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit. | Wilt thou set thine eyes upon that which is not? for riches certainly make themselves wings; they fly away as an eagle toward heaven. |
| 6 | Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: | Eat thou not the bread of him that hath an evil eye, neither desire thou his dainty meats: |
| 7 | Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo. | For as he thinketh in his heart, so is he: Eat and drink, saith he to thee; but his heart is not with thee. |
| 8 | Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita. | The morsel which thou hast eaten shalt thou vomit up, and lose thy sweet words. |
| 9 | Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita. | Speak not in the ears of a fool: for he will despise the wisdom of thy words. |
| 10 | Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila: | Remove not the old landmark; and enter not into the fields of the fatherless: |
| 11 | Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo. | For their redeemer is mighty; he shall plead their cause with thee. |
| 12 | Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman. | Apply thine heart unto instruction, and thine ears to the words of knowledge. |
| 13 | Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. | Withhold not correction from the child: for if thou beatest him with the rod, he shall not die. |
| 14 | Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. | Thou shalt beat him with the rod, and shalt deliver his soul from hell. |
| 15 | Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin: | My son, if thine heart be wise, my heart shall rejoice, even mine. |
| 16 | Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay. | Yea, my reins shall rejoice, when thy lips speak right things. |
| 17 | Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw: | Let not thine heart envy sinners: but be thou in the fear of the Lord all the day long. |
| 18 | Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay. | For surely there is an end; and thine expectation shall not be cut off. |
| 19 | Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan. | Hear thou, my son, and be wise, and guide thine heart in the way. |
| 20 | Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne: | Be not among winebibbers; among riotous eaters of flesh: |
| 21 | Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi. | For the drunkard and the glutton shall come to poverty: and drowsiness shall clothe a man with rags. |
| 22 | Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. | Hearken unto thy father that begat thee, and despise not thy mother when she is old. |
| 23 | Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. | Buy the truth, and sell it not; also wisdom, and instruction, and understanding. |
| 24 | Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. | The father of the righteous shall greatly rejoice: and he that begetteth a wise child shall have joy of him. |
| 25 | Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo. | Thy father and thy mother shall be glad, and she that bare thee shall rejoice. |
| 26 | Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan. | My son, give me thine heart, and let thine eyes observe my ways. |
| 27 | Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw. | For a whore is a deep ditch; and a strange woman is a narrow pit. |
| 28 | Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao. | She also lieth in wait as for a prey, and increaseth the transgressors among men. |
| 29 | Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? | Who hath woe? who hath sorrow? who hath contentions? who hath babbling? who hath wounds without cause? who hath redness of eyes? |
| 30 | Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. | They that tarry long at the wine; they that go to seek mixed wine. |
| 31 | Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, | Look not thou upon the wine when it is red, when it giveth his colour in the cup, when it moveth itself aright. |
| 32 | Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. | At the last it biteth like a serpent, and stingeth like an adder. |
| 33 | Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. | Thine eyes shall behold strange women, and thine heart shall utter perverse things. |
| 34 | Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. | Yea, thou shalt be as he that lieth down in the midst of the sea, or as he that lieth upon the top of a mast. |
| 35 | Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli. | They have stricken me, shalt thou say, and I was not sick; they have beaten me, and I felt it not: when shall I awake? I will seek it yet again. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL