잠언 21장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin. | The king’s heart is in the hand of the Lord, as the rivers of water: he turneth it whithersoever he will. |
| 2 | Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso. | Every way of a man is right in his own eyes: but the Lord pondereth the hearts. |
| 3 | Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain. | To do justice and judgment is more acceptable to the Lord than sacrifice. |
| 4 | Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan. | An high look, and a proud heart, and the plowing of the wicked, is sin. |
| 5 | Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang. | The thoughts of the diligent tend only to plenteousness; but of every one that is hasty only to want. |
| 6 | Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan. | The getting of treasures by a lying tongue is a vanity tossed to and fro of them that seek death. |
| 7 | Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan. | The robbery of the wicked shall destroy them; because they refuse to do judgment. |
| 8 | Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid. | The way of man is froward and strange: but as for the pure, his work is right. |
| 9 | Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay. | It is better to dwell in a corner of the housetop, than with a brawling woman in a wide house. |
| 10 | Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan: ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata. | The soul of the wicked desireth evil: his neighbour findeth no favour in his eyes. |
| 11 | Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas: at pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman. | When the scorner is punished, the simple is made wise: and when the wise is instructed, he receiveth knowledge. |
| 12 | Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara. | The righteous man wisely considereth the house of the wicked: but God overthroweth the wicked for their wickedness. |
| 13 | Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin. | Whoso stoppeth his ears at the cry of the poor, he also shall cry himself, but shall not be heard. |
| 14 | Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit, at ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot. | A gift in secret pacifieth anger: and a reward in the bosom strong wrath. |
| 15 | Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. | It is joy to the just to do judgment: but destruction shall be to the workers of iniquity. |
| 16 | Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay. | The man that wandereth out of the way of understanding shall remain in the congregation of the dead. |
| 17 | Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman. | He that loveth pleasure shall be a poor man: he that loveth wine and oil shall not be rich. |
| 18 | Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid, at ang taksil ay sa lugar ng matuwid. | The wicked shall be a ransom for the righteous, and the transgressor for the upright. |
| 19 | Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae. | It is better to dwell in the wilderness, than with a contentious and an angry woman. |
| 20 | May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang. | There is treasure to be desired and oil in the dwelling of the wise; but a foolish man spendeth it up. |
| 21 | Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan. | He that followeth after righteousness and mercy findeth life, righteousness, and honour. |
| 22 | Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan, at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon. | A wise man scaleth the city of the mighty, and casteth down the strength of the confidence thereof. |
| 23 | Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan. | Whoso keepeth his mouth and his tongue keepeth his soul from troubles. |
| 24 | Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan. | Proud and haughty scorner is his name, who dealeth in proud wrath. |
| 25 | Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa. | The desire of the slothful killeth him; for his hands refuse to labour. |
| 26 | May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait. | He coveteth greedily all the day long: but the righteous giveth and spareth not. |
| 27 | Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip! | The sacrifice of the wicked is abomination: how much more, when he bringeth it with a wicked mind? |
| 28 | Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi. | A false witness shall perish: but the man that heareth speaketh constantly. |
| 29 | Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad. | A wicked man hardeneth his face: but as for the upright, he directeth his way. |
| 30 | Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon. | There is no wisdom nor understanding nor counsel against the Lord. |
| 31 | Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon. | The horse is prepared against the day of battle: but safety is of the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL