잠언 20장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 30절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas. | Wine is a mocker, strong drink is raging: and whosoever is deceived thereby is not wise. |
| 2 | Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay. | The fear of a king is as the roaring of a lion: whoso provoketh him to anger sinneth against his own soul. |
| 3 | Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway. | It is an honour for a man to cease from strife: but every fool will be meddling. |
| 4 | Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. | The sluggard will not plow by reason of the cold; therefore shall he beg in harvest, and have nothing. |
| 5 | Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa. | Counsel in the heart of man is like deep water; but a man of understanding will draw it out. |
| 6 | Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? | Most men will proclaim every one his own goodness: but a faithful man who can find? |
| 7 | Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. | The just man walketh in his integrity: his children are blessed after him. |
| 8 | Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. | A king that sitteth in the throne of judgment scattereth away all evil with his eyes. |
| 9 | Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan? | Who can say, I have made my heart clean, I am pure from my sin? |
| 10 | Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. | Divers weights, and divers measures, both of them are alike abomination to the Lord. |
| 11 | Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. | Even a child is known by his doings, whether his work be pure, and whether it be right. |
| 12 | Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, kapuwa ginawa ng Panginoon. | The hearing ear, and the seeing eye, the Lord hath made even both of them. |
| 13 | Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. | Love not sleep, lest thou come to poverty; open thine eyes, and thou shalt be satisfied with bread. |
| 14 | Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. | It is naught, it is naught, saith the buyer: but when he is gone his way, then he boasteth. |
| 15 | May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. | There is gold, and a multitude of rubies: but the lips of knowledge are a precious jewel. |
| 16 | Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. | Take his garment that is surety for a stranger: and take a pledge of him for a strange woman. |
| 17 | Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. | Bread of deceit is sweet to a man; but afterwards his mouth shall be filled with gravel. |
| 18 | Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. | Every purpose is established by counsel: and with good advice make war. |
| 19 | Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. | He that goeth about as a talebearer revealeth secrets: therefore meddle not with him that flattereth with his lips. |
| 20 | Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. | Whoso curseth his father or his mother, his lamp shall be put out in obscure darkness. |
| 21 | Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. | An inheritance may be gotten hastily at the beginning; but the end thereof shall not be blessed. |
| 22 | Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. | Say not thou, I will recompense evil; but wait on the Lord, and he shall save thee. |
| 23 | Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. | Divers weights are an abomination unto the Lord; and a false balance is not good. |
| 24 | Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad? | Man’s goings are of the Lord; how can a man then understand his own way? |
| 25 | Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata. | It is a snare to the man who devoureth that which is holy, and after vows to make enquiry. |
| 26 | Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik. | A wise king scattereth the wicked, and bringeth the wheel over them. |
| 27 | Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. | The spirit of man is the candle of the Lord, searching all the inward parts of the belly. |
| 28 | Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob. | Mercy and truth preserve the king: and his throne is upholden by mercy. |
| 29 | Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban. | The glory of young men is their strength: and the beauty of old men is the gray head. |
| 30 | Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan: at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. | The blueness of a wound cleanseth away evil: so do stripes the inward parts of the belly. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL