잠언 19장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 29절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang. | Better is the poor that walketh in his integrity, than he that is perverse in his lips, and is a fool. |
| 2 | Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. | Also, that the soul be without knowledge, it is not good; and he that hasteth with his feet sinneth. |
| 3 | Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon. | The foolishness of man perverteth his way: and his heart fretteth against the Lord. |
| 4 | Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan. | Wealth maketh many friends; but the poor is separated from his neighbour. |
| 5 | Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan. | A false witness shall not be unpunished, and he that speaketh lies shall not escape. |
| 6 | Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob. | Many will intreat the favour of the prince: and every man is a friend to him that giveth gifts. |
| 7 | Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila. | All the brethren of the poor do hate him: how much more do his friends go far from him? he pursueth them with words, yet they are wanting to him. |
| 8 | Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. | He that getteth wisdom loveth his own soul: he that keepeth understanding shall find good. |
| 9 | Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. | A false witness shall not be unpunished, and he that speaketh lies shall perish. |
| 10 | Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. | Delight is not seemly for a fool; much less for a servant to have rule over princes. |
| 11 | Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang. | The discretion of a man deferreth his anger; and it is his glory to pass over a transgression. |
| 12 | Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo. | The king’s wrath is as the roaring of a lion; but his favour is as dew upon the grass. |
| 13 | Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo. | A foolish son is the calamity of his father: and the contentions of a wife are a continual dropping. |
| 14 | Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon. | House and riches are the inheritance of fathers: and a prudent wife is from the Lord. |
| 15 | Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom. | Slothfulness casteth into a deep sleep; and an idle soul shall suffer hunger. |
| 16 | Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay. | He that keepeth the commandment keepeth his own soul; but he that despiseth his ways shall die. |
| 17 | Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. | He that hath pity upon the poor lendeth unto the Lord; and that which he hath given will he pay him again. |
| 18 | Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak. | Chasten thy son while there is hope, and let not thy soul spare for his crying. |
| 19 | Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli. | A man of great wrath shall suffer punishment: for if thou deliver him, yet thou must do it again. |
| 20 | Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas. | Hear counsel, and receive instruction, that thou mayest be wise in thy latter end. |
| 21 | May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo. | There are many devices in a man’s heart; nevertheless the counsel of the Lord, that shall stand. |
| 22 | Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling. | The desire of a man is his kindness: and a poor man is better than a liar. |
| 23 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan. | The fear of the Lord tendeth to life: and he that hath it shall abide satisfied; he shall not be visited with evil. |
| 24 | Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli. | A slothful man hideth his hand in his bosom, and will not so much as bring it to his mouth again. |
| 25 | Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman. | Smite a scorner, and the simple will beware: and reprove one that hath understanding, and he will understand knowledge. |
| 26 | Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina, ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan. | He that wasteth his father, and chaseth away his mother, is a son that causeth shame, and bringeth reproach. |
| 27 | Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman. | Cease, my son, to hear the instruction that causeth to err from the words of knowledge. |
| 28 | Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan. | An ungodly witness scorneth judgment: and the mouth of the wicked devoureth iniquity. |
| 29 | Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang. | Judgments are prepared for scorners, and stripes for the back of fools. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL