잠언 18장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 24절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa, at nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan. | Through desire a man, having separated himself, seeketh and intermeddleth with all wisdom. |
| 2 | Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso. | A fool hath no delight in understanding, but that his heart may discover itself. |
| 3 | Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak, at kasama ng kutya ang pagkaduwahagi. | When the wicked cometh, then cometh also contempt, and with ignominy reproach. |
| 4 | Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis. | The words of a man’s mouth are as deep waters, and the wellspring of wisdom as a flowing brook. |
| 5 | Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti, ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan. | It is not good to accept the person of the wicked, to overthrow the righteous in judgment. |
| 6 | Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas. | A fool’s lips enter into contention, and his mouth calleth for strokes. |
| 7 | Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa. | A fool’s mouth is his destruction, and his lips are the snare of his soul. |
| 8 | Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan. | The words of a talebearer are as wounds, and they go down into the innermost parts of the belly. |
| 9 | Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain ay kapatid siya ng maninira. | He also that is slothful in his work is brother to him that is a great waster. |
| 10 | Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas. | The name of the Lord is a strong tower: the righteous runneth into it, and is safe. |
| 11 | Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan, at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip, | The rich man’s wealth is his strong city, and as an high wall in his own conceit. |
| 12 | Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba. | Before destruction the heart of man is haughty, and before honour is humility. |
| 13 | Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya. | He that answereth a matter before he heareth it, it is folly and shame unto him. |
| 14 | Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit; nguni't ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala? | The spirit of a man will sustain his infirmity; but a wounded spirit who can bear? |
| 15 | Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman. | The heart of the prudent getteth knowledge; and the ear of the wise seeketh knowledge. |
| 16 | Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya, at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao. | A man’s gift maketh room for him, and bringeth him before great men. |
| 17 | Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap; nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya. | He that is first in his own cause seemeth just; but his neighbour cometh and searcheth him. |
| 18 | Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo, at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan. | The lot causeth contentions to cease, and parteth between the mighty. |
| 19 | Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan: at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo. | A brother offended is harder to be won than a strong city: and their contentions are like the bars of a castle. |
| 20 | Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya. | A man’s belly shall be satisfied with the fruit of his mouth; and with the increase of his lips shall he be filled. |
| 21 | Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga. | Death and life are in the power of the tongue: and they that love it shall eat the fruit thereof. |
| 22 | Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon. | Whoso findeth a wife findeth a good thing, and obtaineth favour of the Lord. |
| 23 | Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik: nguni't ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan. | The poor useth intreaties; but the rich answereth roughly. |
| 24 | Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid. | A man that hath friends must shew himself friendly: and there is a friend that sticketh closer than a brother. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL