잠언 17장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan. | Better is a dry morsel, and quietness therewith, than an house full of sacrifices with strife. |
| 2 | Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid. | A wise servant shall have rule over a son that causeth shame, and shall have part of the inheritance among the brethren. |
| 3 | Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso. | The fining pot is for silver, and the furnace for gold: but the Lord trieth the hearts. |
| 4 | Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila. | A wicked doer giveth heed to false lips; and a liar giveth ear to a naughty tongue. |
| 5 | Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan. | Whoso mocketh the poor reproacheth his Maker: and he that is glad at calamities shall not be unpunished. |
| 6 | Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang. | Children’s children are the crown of old men; and the glory of children are their fathers. |
| 7 | Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo. | Excellent speech becometh not a fool: much less do lying lips a prince. |
| 8 | Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa. | A gift is as a precious stone in the eyes of him that hath it: whithersoever it turneth, it prospereth. |
| 9 | Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. | He that covereth a transgression seeketh love; but he that repeateth a matter separateth very friends. |
| 10 | Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang. | A reproof entereth more into a wise man than an hundred stripes into a fool. |
| 11 | Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya. | An evil man seeketh only rebellion: therefore a cruel messenger shall be sent against him. |
| 12 | Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan. | Let a bear robbed of her whelps meet a man, rather than a fool in his folly. |
| 13 | Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay. | Whoso rewardeth evil for good, evil shall not depart from his house. |
| 14 | Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit. | The beginning of strife is as when one letteth out water: therefore leave off contention, before it be meddled with. |
| 15 | Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon. | He that justifieth the wicked, and he that condemneth the just, even they both are abomination to the Lord. |
| 16 | Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa? | Wherefore is there a price in the hand of a fool to get wisdom, seeing he hath no heart to it? |
| 17 | Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan. | A friend loveth at all times, and a brother is born for adversity. |
| 18 | Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa. | A man void of understanding striketh hands, and becometh surety in the presence of his friend. |
| 19 | Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan. | He loveth transgression that loveth strife: and he that exalteth his gate seeketh destruction. |
| 20 | Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan. | He that hath a froward heart findeth no good: and he that hath a perverse tongue falleth into mischief. |
| 21 | Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan. | He that begetteth a fool doeth it to his sorrow: and the father of a fool hath no joy. |
| 22 | Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto. | A merry heart doeth good like a medicine: but a broken spirit drieth the bones. |
| 23 | Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan. | A wicked man taketh a gift out of the bosom to pervert the ways of judgment. |
| 24 | Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa. | Wisdom is before him that hath understanding; but the eyes of a fool are in the ends of the earth. |
| 25 | Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya. | A foolish son is a grief to his father, and bitterness to her that bare him. |
| 26 | Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran. | Also to punish the just is not good, nor to strike princes for equity. |
| 27 | Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. | He that hath knowledge spareth his words: and a man of understanding is of an excellent spirit. |
| 28 | Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait. | Even a fool, when he holdeth his peace, is counted wise: and he that shutteth his lips is esteemed a man of understanding. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL