잠언 16장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 33절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. | The preparations of the heart in man, and the answer of the tongue, is from the Lord. |
| 2 | Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. | All the ways of a man are clean in his own eyes; but the Lord weigheth the spirits. |
| 3 | Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. | Commit thy works unto the Lord, and thy thoughts shall be established. |
| 4 | Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. | The Lord hath made all things for himself: yea, even the wicked for the day of evil. |
| 5 | Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. | Every one that is proud in heart is an abomination to the Lord: though hand join in hand, he shall not be unpunished. |
| 6 | Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. | By mercy and truth iniquity is purged: and by the fear of the Lord men depart from evil. |
| 7 | Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. | When a man’s ways please the Lord, he maketh even his enemies to be at peace with him. |
| 8 | Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. | Better is a little with righteousness than great revenues without right. |
| 9 | Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. | A man’s heart deviseth his way: but the Lord directeth his steps. |
| 10 | Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. | A divine sentence is in the lips of the king: his mouth transgresseth not in judgment. |
| 11 | Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. | A just weight and balance are the Lord’s: all the weights of the bag are his work. |
| 12 | Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. | It is an abomination to kings to commit wickedness: for the throne is established by righteousness. |
| 13 | Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. | Righteous lips are the delight of kings; and they love him that speaketh right. |
| 14 | Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. | The wrath of a king is as messengers of death: but a wise man will pacify it. |
| 15 | Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. | In the light of the king’s countenance is life; and his favour is as a cloud of the latter rain. |
| 16 | Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. | How much better is it to get wisdom than gold! and to get understanding rather to be chosen than silver! |
| 17 | Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. | The highway of the upright is to depart from evil: he that keepeth his way preserveth his soul. |
| 18 | Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. | Pride goeth before destruction, and an haughty spirit before a fall. |
| 19 | Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. | Better it is to be of an humble spirit with the lowly, than to divide the spoil with the proud. |
| 20 | Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. | He that handleth a matter wisely shall find good: and whoso trusteth in the Lord, happy is he. |
| 21 | Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. | The wise in heart shall be called prudent: and the sweetness of the lips increaseth learning. |
| 22 | Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. | Understanding is a wellspring of life unto him that hath it: but the instruction of fools is folly. |
| 23 | Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. | The heart of the wise teacheth his mouth, and addeth learning to his lips. |
| 24 | Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. | Pleasant words are as an honeycomb, sweet to the soul, and health to the bones. |
| 25 | May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. | There is a way that seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death. |
| 26 | Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. | He that laboureth laboureth for himself; for his mouth craveth it of him. |
| 27 | Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. | An ungodly man diggeth up evil: and in his lips there is as a burning fire. |
| 28 | Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. | A froward man soweth strife: and a whisperer separateth chief friends. |
| 29 | Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. | A violent man enticeth his neighbour, and leadeth him into the way that is not good. |
| 30 | Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan. | He shutteth his eyes to devise froward things: moving his lips he bringeth evil to pass. |
| 31 | Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran. | The hoary head is a crown of glory, if it be found in the way of righteousness. |
| 32 | Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan. | He that is slow to anger is better than the mighty; and he that ruleth his spirit than he that taketh a city. |
| 33 | Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon. | The lot is cast into the lap; but the whole disposing thereof is of the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL