잠언 11장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran. | A false balance is abomination to the Lord: but a just weight is his delight. |
| 2 | Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan. | When pride cometh, then cometh shame: but with the lowly is wisdom. |
| 3 | Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila. | The integrity of the upright shall guide them: but the perverseness of transgressors shall destroy them. |
| 4 | Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. | Riches profit not in the day of wrath: but righteousness delivereth from death. |
| 5 | Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan. | The righteousness of the perfect shall direct his way: but the wicked shall fall by his own wickedness. |
| 6 | Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan. | The righteousness of the upright shall deliver them: but transgressors shall be taken in their own naughtiness. |
| 7 | Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala. | When a wicked man dieth, his expectation shall perish: and the hope of unjust men perisheth. |
| 8 | Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya. | The righteous is delivered out of trouble, and the wicked cometh in his stead. |
| 9 | Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid. | An hypocrite with his mouth destroyeth his neighbour: but through knowledge shall the just be delivered. |
| 10 | Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan. | When it goeth well with the righteous, the city rejoiceth: and when the wicked perish, there is shouting. |
| 11 | Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama. | By the blessing of the upright the city is exalted: but it is overthrown by the mouth of the wicked. |
| 12 | Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. | He that is void of wisdom despiseth his neighbour: but a man of understanding holdeth his peace. |
| 13 | Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay. | A talebearer revealeth secrets: but he that is of a faithful spirit concealeth the matter. |
| 14 | Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. | Where no counsel is, the people fall: but in the multitude of counsellors there is safety. |
| 15 | Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay. | He that is surety for a stranger shall smart for it: and he that hateth suretiship is sure. |
| 16 | Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan. | A gracious woman retaineth honour: and strong men retain riches. |
| 17 | Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman. | The merciful man doeth good to his own soul: but he that is cruel troubleth his own flesh. |
| 18 | Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala. | The wicked worketh a deceitful work: but to him that soweth righteousness shall be a sure reward. |
| 19 | Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay. | As righteousness tendeth to life: so he that pursueth evil pursueth it to his own death. |
| 20 | Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran. | They that are of a froward heart are abomination to the Lord: but such as are upright in their way are his delight. |
| 21 | Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas. | Though hand join in hand, the wicked shall not be unpunished: but the seed of the righteous shall be delivered. |
| 22 | Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait. | As a jewel of gold in a swine’s snout, so is a fair woman which is without discretion. |
| 23 | Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot. | The desire of the righteous is only good: but the expectation of the wicked is wrath. |
| 24 | May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. | There is that scattereth, and yet increaseth; and there is that withholdeth more than is meet, but it tendeth to poverty. |
| 25 | Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din. | The liberal soul shall be made fat: and he that watereth shall be watered also himself. |
| 26 | Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon. | He that withholdeth corn, the people shall curse him: but blessing shall be upon the head of him that selleth it. |
| 27 | Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak. | He that diligently seeketh good procureth favour: but he that seeketh mischief, it shall come unto him. |
| 28 | Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon. | He that trusteth in his riches shall fall: but the righteous shall flourish as a branch. |
| 29 | Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso. | He that troubleth his own house shall inherit the wind: and the fool shall be servant to the wise of heart. |
| 30 | Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. | The fruit of the righteous is a tree of life; and he that winneth souls is wise. |
| 31 | Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan! | Behold, the righteous shall be recompensed in the earth: much more the wicked and the sinner. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL