잠언 12장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. | Whoso loveth instruction loveth knowledge: but he that hateth reproof is brutish. |
| 2 | Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. | A good man obtaineth favour of the Lord: but a man of wicked devices will he condemn. |
| 3 | Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. | A man shall not be established by wickedness: but the root of the righteous shall not be moved. |
| 4 | Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. | A virtuous woman is a crown to her husband: but she that maketh ashamed is as rottenness in his bones. |
| 5 | Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. | The thoughts of the righteous are right: but the counsels of the wicked are deceit. |
| 6 | Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. | The words of the wicked are to lie in wait for blood: but the mouth of the upright shall deliver them. |
| 7 | Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. | The wicked are overthrown, and are not: but the house of the righteous shall stand. |
| 8 | Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. | A man shall be commended according to his wisdom: but he that is of a perverse heart shall be despised. |
| 9 | Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. | He that is despised, and hath a servant, is better than he that honoureth himself, and lacketh bread. |
| 10 | Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. | A righteous man regardeth the life of his beast: but the tender mercies of the wicked are cruel. |
| 11 | Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. | He that tilleth his land shall be satisfied with bread: but he that followeth vain persons is void of understanding. |
| 12 | Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. | The wicked desireth the net of evil men: but the root of the righteous yieldeth fruit. |
| 13 | Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. | The wicked is snared by the transgression of his lips: but the just shall come out of trouble. |
| 14 | Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. | A man shall be satisfied with good by the fruit of his mouth: and the recompence of a man’s hands shall be rendered unto him. |
| 15 | Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. | The way of a fool is right in his own eyes: but he that hearkeneth unto counsel is wise. |
| 16 | Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. | A fool’s wrath is presently known: but a prudent man covereth shame. |
| 17 | Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. | He that speaketh truth sheweth forth righteousness: but a false witness deceit. |
| 18 | May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. | There is that speaketh like the piercings of a sword: but the tongue of the wise is health. |
| 19 | Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. | The lip of truth shall be established for ever: but a lying tongue is but for a moment. |
| 20 | Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. | Deceit is in the heart of them that imagine evil: but to the counsellors of peace is joy. |
| 21 | Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. | There shall no evil happen to the just: but the wicked shall be filled with mischief. |
| 22 | Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. | Lying lips are abomination to the Lord: but they that deal truly are his delight. |
| 23 | Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. | A prudent man concealeth knowledge: but the heart of fools proclaimeth foolishness. |
| 24 | Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. | The hand of the diligent shall bear rule: but the slothful shall be under tribute. |
| 25 | Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. | Heaviness in the heart of man maketh it stoop: but a good word maketh it glad. |
| 26 | Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. | The righteous is more excellent than his neighbour: but the way of the wicked seduceth them. |
| 27 | Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. | The slothful man roasteth not that which he took in hunting: but the substance of a diligent man is precious. |
| 28 | Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan. | In the way of righteousness is life; and in the pathway thereof there is no death. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL