욥기 9장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | Then Job answered and said, |
| 2 | Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? | I know it is so of a truth: but how should man be just with God? |
| 3 | Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. | If he will contend with him, he cannot answer him one of a thousand. |
| 4 | Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? | He is wise in heart, and mighty in strength: who hath hardened himself against him, and hath prospered? |
| 5 | Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. | Which removeth the mountains, and they know not: which overturneth them in his anger. |
| 6 | Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. | Which shaketh the earth out of her place, and the pillars thereof tremble. |
| 7 | Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. | Which commandeth the sun, and it riseth not; and sealeth up the stars. |
| 8 | Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. | Which alone spreadeth out the heavens, and treadeth upon the waves of the sea. |
| 9 | Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. | Which maketh Arcturus, Orion, and Pleiades, and the chambers of the south. |
| 10 | Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. | Which doeth great things past finding out; yea, and wonders without number. |
| 11 | Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. | Lo, he goeth by me, and I see him not: he passeth on also, but I perceive him not. |
| 12 | Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? | Behold, he taketh away, who can hinder him? who will say unto him, What doest thou? |
| 13 | Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. | If God will not withdraw his anger, the proud helpers do stoop under him. |
| 14 | Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? | How much less shall I answer him, and choose out my words to reason with him? |
| 15 | Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom. | Whom, though I were righteous, yet would I not answer, but I would make supplication to my judge. |
| 16 | Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. | If I had called, and he had answered me; yet would I not believe that he had hearkened unto my voice. |
| 17 | Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. | For he breaketh me with a tempest, and multiplieth my wounds without cause. |
| 18 | Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap. | He will not suffer me to take my breath, but filleth me with bitterness. |
| 19 | Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? | If I speak of strength, lo, he is strong: and if of judgment, who shall set me a time to plead? |
| 20 | Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama. | If I justify myself, mine own mouth shall condemn me: if I say, I am perfect, it shall also prove me perverse. |
| 21 | Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay. | Though I were perfect, yet would I not know my soul: I would despise my life. |
| 22 | Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama. | This is one thing, therefore I said it, He destroyeth the perfect and the wicked. |
| 23 | Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala. | If the scourge slay suddenly, he will laugh at the trial of the innocent. |
| 24 | Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga? | The earth is given into the hand of the wicked: he covereth the faces of the judges thereof; if not, where, and who is he? |
| 25 | Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti. | Now my days are swifter than a post: they flee away, they see no good. |
| 26 | Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli. | They are passed away as the swift ships: as the eagle that hasteth to the prey. |
| 27 | Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako: | If I say, I will forget my complaint, I will leave off my heaviness, and comfort myself: |
| 28 | Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala. | I am afraid of all my sorrows, I know that thou wilt not hold me innocent. |
| 29 | Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan? | If I be wicked, why then labour I in vain? |
| 30 | Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis; | If I wash myself with snow water, and make my hands never so clean; |
| 31 | Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan. | Yet shalt thou plunge me in the ditch, and mine own clothes shall abhor me. |
| 32 | Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan, | For he is not a man, as I am, that I should answer him, and we should come together in judgment. |
| 33 | Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa. | Neither is there any daysman betwixt us, that might lay his hand upon us both. |
| 34 | Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot: | Let him take his rod away from me, and let not his fear terrify me: |
| 35 | Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili. | Then would I speak, and not fear him; but it is not so with me. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL