욥기 8장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, | Then answered Bildad the Shuhite, and said, |
| 2 | Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig? | How long wilt thou speak these things? and how long shall the words of thy mouth be like a strong wind? |
| 3 | Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan? | Doth God pervert judgment? or doth the Almighty pervert justice? |
| 4 | Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang: | If thy children have sinned against him, and he have cast them away for their transgression; |
| 5 | Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; | If thou wouldest seek unto God betimes, and make thy supplication to the Almighty; |
| 6 | Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. | If thou wert pure and upright; surely now he would awake for thee, and make the habitation of thy righteousness prosperous. |
| 7 | At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam. | Though thy beginning was small, yet thy latter end should greatly increase. |
| 8 | Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang: | For enquire, I pray thee, of the former age, and prepare thyself to the search of their fathers: |
| 9 | (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:) | (For we are but of yesterday, and know nothing, because our days upon earth are a shadow:) |
| 10 | Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso? | Shall not they teach thee, and tell thee, and utter words out of their heart? |
| 11 | Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig? | Can the rush grow up without mire? can the flag grow without water? |
| 12 | Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo. | Whilst it is yet in his greenness, and not cut down, it withereth before any other herb. |
| 13 | Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala: | So are the paths of all that forget God; and the hypocrite’s hope shall perish: |
| 14 | Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba. | Whose hope shall be cut off, and whose trust shall be a spider’s web. |
| 15 | Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas. | He shall lean upon his house, but it shall not stand: he shall hold it fast, but it shall not endure. |
| 16 | Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan. | He is green before the sun, and his branch shooteth forth in his garden. |
| 17 | Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato. | His roots are wrapped about the heap, and seeth the place of stones. |
| 18 | Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita. | If he destroy him from his place, then it shall deny him, saying, I have not seen thee. |
| 19 | Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba. | Behold, this is the joy of his way, and out of the earth shall others grow. |
| 20 | Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan. | Behold, God will not cast away a perfect man, neither will he help the evil doers: |
| 21 | Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw. | Till he fill thy mouth with laughing, and thy lips with rejoicing. |
| 22 | Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala. | They that hate thee shall be clothed with shame; and the dwelling place of the wicked shall come to nought. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL