욥기 10장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa. | My soul is weary of my life; I will leave my complaint upon myself; I will speak in the bitterness of my soul. |
| 2 | Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin. | I will say unto God, Do not condemn me; shew me wherefore thou contendest with me. |
| 3 | Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama? | Is it good unto thee that thou shouldest oppress, that thou shouldest despise the work of thine hands, and shine upon the counsel of the wicked? |
| 4 | Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao? | Hast thou eyes of flesh? or seest thou as man seeth? |
| 5 | Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao, | Are thy days as the days of man? are thy years as man’s days, |
| 6 | Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan, | That thou enquirest after mine iniquity, and searchest after my sin? |
| 7 | Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay? | Thou knowest that I am not wicked; and there is none that can deliver out of thine hand. |
| 8 | Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako. | Thine hands have made me and fashioned me together round about; yet thou dost destroy me. |
| 9 | Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok? | Remember, I beseech thee, that thou hast made me as the clay; and wilt thou bring me into dust again? |
| 10 | Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso? | Hast thou not poured me out as milk, and curdled me like cheese? |
| 11 | Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid. | Thou hast clothed me with skin and flesh, and hast fenced me with bones and sinews. |
| 12 | Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw. | Thou hast granted me life and favour, and thy visitation hath preserved my spirit. |
| 13 | Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo: | And these things hast thou hid in thine heart: I know that this is with thee. |
| 14 | Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan. | If I sin, then thou markest me, and thou wilt not acquit me from mine iniquity. |
| 15 | Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian. | If I be wicked, woe unto me; and if I be righteous, yet will I not lift up my head. I am full of confusion; therefore see thou mine affliction; |
| 16 | At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin. | For it increaseth. Thou huntest me as a fierce lion: and again thou shewest thyself marvellous upon me. |
| 17 | Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin. | Thou renewest thy witnesses against me, and increasest thine indignation upon me; changes and war are against me. |
| 18 | Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin. | Wherefore then hast thou brought me forth out of the womb? Oh that I had given up the ghost, and no eye had seen me! |
| 19 | Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan, | I should have been as though I had not been; I should have been carried from the womb to the grave. |
| 20 | Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti, | Are not my days few? cease then, and let me alone, that I may take comfort a little, |
| 21 | Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan; | Before I go whence I shall not return, even to the land of darkness and the shadow of death; |
| 22 | Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman. | A land of darkness, as darkness itself; and of the shadow of death, without any order, and where the light is as darkness. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL