욥기 5장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 27절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka? | Call now, if there be any that will answer thee; and to which of the saints wilt thou turn? |
| 2 | Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang. | For wrath killeth the foolish man, and envy slayeth the silly one. |
| 3 | Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan. | I have seen the foolish taking root: but suddenly I cursed his habitation. |
| 4 | Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila. | His children are far from safety, and they are crushed in the gate, neither is there any to deliver them. |
| 5 | Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari. | Whose harvest the hungry eateth up, and taketh it even out of the thorns, and the robber swalloweth up their substance. |
| 6 | Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; | Although affliction cometh not forth of the dust, neither doth trouble spring out of the ground; |
| 7 | Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. | Yet man is born unto trouble, as the sparks fly upward. |
| 8 | Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: | I would seek unto God, and unto God would I commit my cause: |
| 9 | Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang: | Which doeth great things and unsearchable; marvellous things without number: |
| 10 | Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid; | Who giveth rain upon the earth, and sendeth waters upon the fields: |
| 11 | Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. | To set up on high those that be low; that those which mourn may be exalted to safety. |
| 12 | Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. | He disappointeth the devices of the crafty, so that their hands cannot perform their enterprise. |
| 13 | Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara. | He taketh the wise in their own craftiness: and the counsel of the froward is carried headlong. |
| 14 | Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. | They meet with darkness in the daytime, and grope in the noonday as in the night. |
| 15 | Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. | But he saveth the poor from the sword, from their mouth, and from the hand of the mighty. |
| 16 | Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig. | So the poor hath hope, and iniquity stoppeth her mouth. |
| 17 | Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat. | Behold, happy is the man whom God correcteth: therefore despise not thou the chastening of the Almighty: |
| 18 | Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay. | For he maketh sore, and bindeth up: he woundeth, and his hands make whole. |
| 19 | Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo. | He shall deliver thee in six troubles: yea, in seven there shall no evil touch thee. |
| 20 | Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak. | In famine he shall redeem thee from death: and in war from the power of the sword. |
| 21 | Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating. | Thou shalt be hid from the scourge of the tongue: neither shalt thou be afraid of destruction when it cometh. |
| 22 | Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa. | At destruction and famine thou shalt laugh: neither shalt thou be afraid of the beasts of the earth. |
| 23 | Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo. | For thou shalt be in league with the stones of the field: and the beasts of the field shall be at peace with thee. |
| 24 | At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman. | And thou shalt know that thy tabernacle shall be in peace; and thou shalt visit thy habitation, and shalt not sin. |
| 25 | Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa. | Thou shalt know also that thy seed shall be great, and thine offspring as the grass of the earth. |
| 26 | Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan. | Thou shalt come to thy grave in a full age, like as a shock of corn cometh in in his season. |
| 27 | Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti. | Lo this, we have searched it, so it is; hear it, and know thou it for thy good. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL