욥기 6장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 30절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, | But Job answered and said, |
| 2 | Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. | Oh that my grief were throughly weighed, and my calamity laid in the balances together! |
| 3 | Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. | For now it would be heavier than the sand of the sea: therefore my words are swallowed up. |
| 4 | Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. | For the arrows of the Almighty are within me, the poison whereof drinketh up my spirit: the terrors of God do set themselves in array against me. |
| 5 | Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? | Doth the wild ass bray when he hath grass? or loweth the ox over his fodder? |
| 6 | Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? | Can that which is unsavoury be eaten without salt? or is there any taste in the white of an egg? |
| 7 | Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. | The things that my soul refused to touch are as my sorrowful meat. |
| 8 | Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! | Oh that I might have my request; and that God would grant me the thing that I long for! |
| 9 | Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! | Even that it would please God to destroy me; that he would let loose his hand, and cut me off! |
| 10 | Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. | Then should I yet have comfort; yea, I would harden myself in sorrow: let him not spare; for I have not concealed the words of the Holy One. |
| 11 | Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? | What is my strength, that I should hope? and what is mine end, that I should prolong my life? |
| 12 | Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? | Is my strength the strength of stones? or is my flesh of brass? |
| 13 | Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? | Is not my help in me? and is wisdom driven quite from me? |
| 14 | Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. | To him that is afflicted pity should be shewed from his friend; but he forsaketh the fear of the Almighty. |
| 15 | Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; | My brethren have dealt deceitfully as a brook, and as the stream of brooks they pass away; |
| 16 | Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: | Which are blackish by reason of the ice, and wherein the snow is hid: |
| 17 | Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. | What time they wax warm, they vanish: when it is hot, they are consumed out of their place. |
| 18 | Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. | The paths of their way are turned aside; they go to nothing, and perish. |
| 19 | Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. | The troops of Tema looked, the companies of Sheba waited for them. |
| 20 | Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. | They were confounded because they had hoped; they came thither, and were ashamed. |
| 21 | Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. | For now ye are nothing; ye see my casting down, and are afraid. |
| 22 | Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? | Did I say, Bring unto me? or, Give a reward for me of your substance? |
| 23 | O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? | Or, Deliver me from the enemy’s hand? or, Redeem me from the hand of the mighty? |
| 24 | Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. | Teach me, and I will hold my tongue: and cause me to understand wherein I have erred. |
| 25 | Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? | How forcible are right words! but what doth your arguing reprove? |
| 26 | Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. | Do ye imagine to reprove words, and the speeches of one that is desperate, which are as wind? |
| 27 | Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. | Yea, ye overwhelm the fatherless, and ye dig a pit for your friend. |
| 28 | Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. | Now therefore be content, look upon me; for it is evident unto you if I lie. |
| 29 | Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. | Return, I pray you, let it not be iniquity; yea, return again, my righteousness is in it. |
| 30 | May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay? | Is there iniquity in my tongue? cannot my taste discern perverse things? |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL