욥기 4장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 21절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, | Then Eliphaz the Temanite answered and said, |
| 2 | Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita? | If we assay to commune with thee, wilt thou be grieved? but who can withhold himself from speaking? |
| 3 | Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay. | Behold, thou hast instructed many, and thou hast strengthened the weak hands. |
| 4 | Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod. | Thy words have upholden him that was falling, and thou hast strengthened the feeble knees. |
| 5 | Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag. | But now it is come upon thee, and thou faintest; it toucheth thee, and thou art troubled. |
| 6 | Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad? | Is not this thy fear, thy confidence, thy hope, and the uprightness of thy ways? |
| 7 | Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid? | Remember, I pray thee, who ever perished, being innocent? or where were the righteous cut off? |
| 8 | Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani. | Even as I have seen, they that plow iniquity, and sow wickedness, reap the same. |
| 9 | Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay, at sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol. | By the blast of God they perish, and by the breath of his nostrils are they consumed. |
| 10 | Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali. | The roaring of the lion, and the voice of the fierce lion, and the teeth of the young lions, are broken. |
| 11 | Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat. | The old lion perisheth for lack of prey, and the stout lion’s whelps are scattered abroad. |
| 12 | Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon. | Now a thing was secretly brought to me, and mine ear received a little thereof. |
| 13 | Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao, | In thoughts from the visions of the night, when deep sleep falleth on men, |
| 14 | Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto. | Fear came upon me, and trembling, which made all my bones to shake. |
| 15 | Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig. | Then a spirit passed before my face; the hair of my flesh stood up: |
| 16 | Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi, | It stood still, but I could not discern the form thereof: an image was before mine eyes, there was silence, and I heard a voice, saying, |
| 17 | Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? | Shall mortal man be more just than God? shall a man be more pure than his maker? |
| 18 | Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel: | Behold, he put no trust in his servants; and his angels he charged with folly: |
| 19 | Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo! | How much less in them that dwell in houses of clay, whose foundation is in the dust, which are crushed before the moth? |
| 20 | Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna. | They are destroyed from morning to evening: they perish for ever without any regarding it. |
| 21 | Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan. | Doth not their excellency which is in them go away? they die, even without wisdom. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL