욥기 40장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 24절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi, | Moreover the Lord answered Job, and said, |
| 2 | Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito. | Shall he that contendeth with the Almighty instruct him? he that reproveth God, let him answer it. |
| 3 | Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, | Then Job answered the Lord, and said, |
| 4 | Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig, | Behold, I am vile; what shall I answer thee? I will lay mine hand upon my mouth. |
| 5 | Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy. | Once have I spoken; but I will not answer: yea, twice; but I will proceed no further. |
| 6 | Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, | Then answered the Lord unto Job out of the whirlwind, and said, |
| 7 | Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. | Gird up thy loins now like a man: I will demand of thee, and declare thou unto me. |
| 8 | Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? | Wilt thou also disannul my judgment? wilt thou condemn me, that thou mayest be righteous? |
| 9 | O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? | Hast thou an arm like God? or canst thou thunder with a voice like him? |
| 10 | Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan. | Deck thyself now with majesty and excellency; and array thyself with glory and beauty. |
| 11 | Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. | Cast abroad the rage of thy wrath: and behold every one that is proud, and abase him. |
| 12 | Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. | Look on every one that is proud, and bring him low; and tread down the wicked in their place. |
| 13 | Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. | Hide them in the dust together; and bind their faces in secret. |
| 14 | Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan. | Then will I also confess unto thee that thine own right hand can save thee. |
| 15 | Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. | Behold now behemoth, which I made with thee; he eateth grass as an ox. |
| 16 | Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. | Lo now, his strength is in his loins, and his force is in the navel of his belly. |
| 17 | Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. | He moveth his tail like a cedar: the sinews of his stones are wrapped together. |
| 18 | Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. | His bones are as strong pieces of brass; his bones are like bars of iron. |
| 19 | Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. | He is the chief of the ways of God: he that made him can make his sword to approach unto him. |
| 20 | Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. | Surely the mountains bring him forth food, where all the beasts of the field play. |
| 21 | Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. | He lieth under the shady trees, in the covert of the reed, and fens. |
| 22 | Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. | The shady trees cover him with their shadow; the willows of the brook compass him about. |
| 23 | Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. | Behold, he drinketh up a river, and hasteth not: he trusteth that he can draw up Jordan into his mouth. |
| 24 | May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo. | He taketh it with his eyes: his nose pierceth through snares. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL