욥기 41장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 34절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali? | Canst thou draw out leviathan with an hook? or his tongue with a cord which thou lettest down? |
| 2 | Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit? | Canst thou put an hook into his nose? or bore his jaw through with a thorn? |
| 3 | Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo? | Will he make many supplications unto thee? will he speak soft words unto thee? |
| 4 | Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang ariin mo siyang alipin magpakailan man? | Will he make a covenant with thee? wilt thou take him for a servant for ever? |
| 5 | Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga? | Wilt thou play with him as with a bird? or wilt thou bind him for thy maidens? |
| 6 | Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal? | Shall the companions make a banquet of him? shall they part him among the merchants? |
| 7 | Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda? | Canst thou fill his skin with barbed irons? or his head with fish spears? |
| 8 | Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin. | Lay thine hand upon him, remember the battle, do no more. |
| 9 | Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon? | Behold, the hope of him is in vain: shall not one be cast down even at the sight of him? |
| 10 | Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko? | None is so fierce that dare stir him up: who then is able to stand before me? |
| 11 | Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin. | Who hath prevented me, that I should repay him? whatsoever is under the whole heaven is mine. |
| 12 | Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis. | I will not conceal his parts, nor his power, nor his comely proportion. |
| 13 | Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil? | Who can discover the face of his garment? or who can come to him with his double bridle? |
| 14 | Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan. | Who can open the doors of his face? his teeth are terrible round about. |
| 15 | Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit. | His scales are his pride, shut up together as with a close seal. |
| 16 | Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon. | One is so near to another, that no air can come between them. |
| 17 | Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay. | They are joined one to another, they stick together, that they cannot be sundered. |
| 18 | Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga. | By his neesings a light doth shine, and his eyes are like the eyelids of the morning. |
| 19 | Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas. | Out of his mouth go burning lamps, and sparks of fire leap out. |
| 20 | Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib. | Out of his nostrils goeth smoke, as out of a seething pot or caldron. |
| 21 | Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig. | His breath kindleth coals, and a flame goeth out of his mouth. |
| 22 | Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya. | In his neck remaineth strength, and sorrow is turned into joy before him. |
| 23 | Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw. | The flakes of his flesh are joined together: they are firm in themselves; they cannot be moved. |
| 24 | Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan. | His heart is as firm as a stone; yea, as hard as a piece of the nether millstone. |
| 25 | Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila. | When he raiseth up himself, the mighty are afraid: by reason of breakings they purify themselves. |
| 26 | Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man. | The sword of him that layeth at him cannot hold: the spear, the dart, nor the habergeon. |
| 27 | Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy. | He esteemeth iron as straw, and brass as rotten wood. |
| 28 | Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo. | The arrow cannot make him flee: slingstones are turned with him into stubble. |
| 29 | Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat. | Darts are counted as stubble: he laugheth at the shaking of a spear. |
| 30 | Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik. | Sharp stones are under him: he spreadeth sharp pointed things upon the mire. |
| 31 | Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid. | He maketh the deep to boil like a pot: he maketh the sea like a pot of ointment. |
| 32 | Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman. | He maketh a path to shine after him; one would think the deep to be hoary. |
| 33 | Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, na likhang walang takot. | Upon earth there is not his like, who is made without fear. |
| 34 | Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo. | He beholdeth all high things: he is a king over all the children of pride. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL