욥기 39장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 30절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? | Knowest thou the time when the wild goats of the rock bring forth? or canst thou mark when the hinds do calve? |
| 2 | Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? | Canst thou number the months that they fulfil? or knowest thou the time when they bring forth? |
| 3 | Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. | They bow themselves, they bring forth their young ones, they cast out their sorrows. |
| 4 | Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. | Their young ones are in good liking, they grow up with corn; they go forth, and return not unto them. |
| 5 | Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? | Who hath sent out the wild ass free? or who hath loosed the bands of the wild ass? |
| 6 | Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan. | Whose house I have made the wilderness, and the barren land his dwellings. |
| 7 | Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. | He scorneth the multitude of the city, neither regardeth he the crying of the driver. |
| 8 | Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. | The range of the mountains is his pasture, and he searcheth after every green thing. |
| 9 | Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? | Will the unicorn be willing to serve thee, or abide by thy crib? |
| 10 | Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? | Canst thou bind the unicorn with his band in the furrow? or will he harrow the valleys after thee? |
| 11 | Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? | Wilt thou trust him, because his strength is great? or wilt thou leave thy labour to him? |
| 12 | Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? | Wilt thou believe him, that he will bring home thy seed, and gather it into thy barn? |
| 13 | Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? | Gavest thou the goodly wings unto the peacocks? or wings and feathers unto the ostrich? |
| 14 | Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok, | Which leaveth her eggs in the earth, and warmeth them in dust, |
| 15 | At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop. | And forgetteth that the foot may crush them, or that the wild beast may break them. |
| 16 | Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; | She is hardened against her young ones, as though they were not hers: her labour is in vain without fear; |
| 17 | Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa. | Because God hath deprived her of wisdom, neither hath he imparted to her understanding. |
| 18 | Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. | What time she lifteth up herself on high, she scorneth the horse and his rider. |
| 19 | Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? | Hast thou given the horse strength? hast thou clothed his neck with thunder? |
| 20 | Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. | Canst thou make him afraid as a grasshopper? the glory of his nostrils is terrible. |
| 21 | Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. | He paweth in the valley, and rejoiceth in his strength: he goeth on to meet the armed men. |
| 22 | Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak. | He mocketh at fear, and is not affrighted; neither turneth he back from the sword. |
| 23 | Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag. | The quiver rattleth against him, the glittering spear and the shield. |
| 24 | Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. | He swalloweth the ground with fierceness and rage: neither believeth he that it is the sound of the trumpet. |
| 25 | Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. | He saith among the trumpets, Ha, ha; and he smelleth the battle afar off, the thunder of the captains, and the shouting. |
| 26 | Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? | Doth the hawk fly by thy wisdom, and stretch her wings toward the south? |
| 27 | Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? | Doth the eagle mount up at thy command, and make her nest on high? |
| 28 | Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan, | She dwelleth and abideth on the rock, upon the crag of the rock, and the strong place. |
| 29 | Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. | From thence she seeketh the prey, and her eyes behold afar off. |
| 30 | Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya. | Her young ones also suck up blood: and where the slain are, there is she. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL