욥기 33장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 33절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita. | Wherefore, Job, I pray thee, hear my speeches, and hearken to all my words. |
| 2 | Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig. | Behold, now I have opened my mouth, my tongue hath spoken in my mouth. |
| 3 | Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat. | My words shall be of the uprightness of my heart: and my lips shall utter knowledge clearly. |
| 4 | Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. | The Spirit of God hath made me, and the breath of the Almighty hath given me life. |
| 5 | Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka. | If thou canst answer me, set thy words in order before me, stand up. |
| 6 | Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik. | Behold, I am according to thy wish in God’s stead: I also am formed out of the clay. |
| 7 | Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo. | Behold, my terror shall not make thee afraid, neither shall my hand be heavy upon thee. |
| 8 | Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi, | Surely thou hast spoken in mine hearing, and I have heard the voice of thy words, saying, |
| 9 | Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin: | I am clean without transgression, I am innocent; neither is there iniquity in me. |
| 10 | Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway: | Behold, he findeth occasions against me, he counteth me for his enemy, |
| 11 | Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas. | He putteth my feet in the stocks, he marketh all my paths. |
| 12 | Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao. | Behold, in this thou art not just: I will answer thee, that God is greater than man. |
| 13 | Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap. | Why dost thou strive against him? for he giveth not account of any of his matters. |
| 14 | Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao. | For God speaketh once, yea twice, yet man perceiveth it not. |
| 15 | Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan; | In a dream, in a vision of the night, when deep sleep falleth upon men, in slumberings upon the bed; |
| 16 | Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo, | Then he openeth the ears of men, and sealeth their instruction, |
| 17 | Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao; | That he may withdraw man from his purpose, and hide pride from man. |
| 18 | Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak. | He keepeth back his soul from the pit, and his life from perishing by the sword. |
| 19 | Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto: | He is chastened also with pain upon his bed, and the multitude of his bones with strong pain: |
| 20 | Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap, | So that his life abhorreth bread, and his soul dainty meat. |
| 21 | Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw. | His flesh is consumed away, that it cannot be seen; and his bones that were not seen stick out. |
| 22 | Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak. | Yea, his soul draweth near unto the grave, and his life to the destroyers. |
| 23 | Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya; | If there be a messenger with him, an interpreter, one among a thousand, to shew unto man his uprightness: |
| 24 | Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan. | Then he is gracious unto him, and saith, Deliver him from going down to the pit: I have found a ransom. |
| 25 | Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan: | His flesh shall be fresher than a child’s: he shall return to the days of his youth: |
| 26 | Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran. | He shall pray unto God, and he will be favourable unto him: and he shall see his face with joy: for he will render unto man his righteousness. |
| 27 | Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan: | He looketh upon men, and if any say, I have sinned, and perverted that which was right, and it profited me not; |
| 28 | Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. | He will deliver his soul from going into the pit, and his life shall see the light. |
| 29 | Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao, | Lo, all these things worketh God oftentimes with man, |
| 30 | Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay. | To bring back his soul from the pit, to be enlightened with the light of the living. |
| 31 | Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita. | Mark well, O Job, hearken unto me: hold thy peace, and I will speak. |
| 32 | Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap. | If thou hast any thing to say, answer me: speak, for I desire to justify thee. |
| 33 | Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan. | If not, hearken unto me: hold thy peace, and I shall teach thee wisdom. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL