욥기 34장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 37절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi, | Furthermore Elihu answered and said, |
| 2 | Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman. | Hear my words, O ye wise men; and give ear unto me, ye that have knowledge. |
| 3 | Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain. | For the ear trieth words, as the mouth tasteth meat. |
| 4 | Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti. | Let us choose to us judgment: let us know among ourselves what is good. |
| 5 | Sapagka't sinabi ni Job, Ako'y matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran: | For Job hath said, I am righteous: and God hath taken away my judgment. |
| 6 | Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang. | Should I lie against my right? my wound is incurable without transgression. |
| 7 | Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig, | What man is like Job, who drinketh up scorning like water? |
| 8 | Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao? | Which goeth in company with the workers of iniquity, and walketh with wicked men. |
| 9 | Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios. | For he hath said, It profiteth a man nothing that he should delight himself with God. |
| 10 | Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. | Therefore hearken unto me, ye men of understanding: far be it from God, that he should do wickedness; and from the Almighty, that he should commit iniquity. |
| 11 | Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad. | For the work of a man shall he render unto him, and cause every man to find according to his ways. |
| 12 | Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan. | Yea, surely God will not do wickedly, neither will the Almighty pervert judgment. |
| 13 | Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan? | Who hath given him a charge over the earth? or who hath disposed the whole world? |
| 14 | Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga; | If he set his heart upon man, if he gather unto himself his spirit and his breath; |
| 15 | Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, at ang tao ay mababalik uli sa alabok. | All flesh shall perish together, and man shall turn again unto dust. |
| 16 | Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita. | If now thou hast understanding, hear this: hearken to the voice of my words. |
| 17 | Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya? | Shall even he that hateth right govern? and wilt thou condemn him that is most just? |
| 18 | Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama? | Is it fit to say to a king, Thou art wicked? and to princes, Ye are ungodly? |
| 19 | Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay. | How much less to him that accepteth not the persons of princes, nor regardeth the rich more than the poor? for they all are the work of his hands. |
| 20 | Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay. | In a moment shall they die, and the people shall be troubled at midnight, and pass away: and the mighty shall be taken away without hand. |
| 21 | Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon. | For his eyes are upon the ways of man, and he seeth all his goings. |
| 22 | Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan. | There is no darkness, nor shadow of death, where the workers of iniquity may hide themselves. |
| 23 | Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan. | For he will not lay upon man more than right; that he should enter into judgment with God. |
| 24 | Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila. | He shall break in pieces mighty men without number, and set others in their stead. |
| 25 | Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol. | Therefore he knoweth their works, and he overturneth them in the night, so that they are destroyed. |
| 26 | Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba, | He striketh them as wicked men in the open sight of others; |
| 27 | Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad: | Because they turned back from him, and would not consider any of his ways: |
| 28 | Na anopa't kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati. | So that they cause the cry of the poor to come unto him, and he heareth the cry of the afflicted. |
| 29 | Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao: | When he giveth quietness, who then can make trouble? and when he hideth his face, who then can behold him? whether it be done against a nation, or against a man only: |
| 30 | Upang ang taong di banal ay huwag maghari, upang huwag maging silo sa bayan. | That the hypocrite reign not, lest the people be ensnared. |
| 31 | Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa: | Surely it is meet to be said unto God, I have borne chastisement, I will not offend any more: |
| 32 | Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa? | That which I see not teach thou me: if I have done iniquity, I will do no more. |
| 33 | Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman. | Should it be according to thy mind? he will recompense it, whether thou refuse, or whether thou choose; and not I: therefore speak what thou knowest. |
| 34 | Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin: | Let men of understanding tell me, and let a wise man hearken unto me. |
| 35 | Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan. | Job hath spoken without knowledge, and his words were without wisdom. |
| 36 | Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao. | My desire is that Job may be tried unto the end because of his answers for wicked men. |
| 37 | Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan, kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin, at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios. | For he addeth rebellion unto his sin, he clappeth his hands among us, and multiplieth his words against God. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL