욥기 32장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y matuwid sa kaniyang sariling paningin. | So these three men ceased to answer Job, because he was righteous in his own eyes. |
| 2 | Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios. | Then was kindled the wrath of Elihu the son of Barachel the Buzite, of the kindred of Ram: against Job was his wrath kindled, because he justified himself rather than God. |
| 3 | Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job. | Also against his three friends was his wrath kindled, because they had found no answer, and yet had condemned Job. |
| 4 | Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya. | Now Elihu had waited till Job had spoken, because they were elder than he. |
| 5 | At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot. | When Elihu saw that there was no answer in the mouth of these three men, then his wrath was kindled. |
| 6 | At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi, Ako'y bata, at kayo'y totoong matatanda; kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka. | And Elihu the son of Barachel the Buzite answered and said, I am young, and ye are very old; wherefore I was afraid, and durst not shew you mine opinion. |
| 7 | Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan. | I said, Days should speak, and multitude of years should teach wisdom. |
| 8 | Nguni't may espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa. | But there is a spirit in man: and the inspiration of the Almighty giveth them understanding. |
| 9 | Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan. | Great men are not always wise: neither do the aged understand judgment. |
| 10 | Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako; akin namang ipakikilala ang aking haka. | Therefore I said, Hearken to me; I also will shew mine opinion. |
| 11 | Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi. | Behold, I waited for your words; I gave ear to your reasons, whilst ye searched out what to say. |
| 12 | Oo, aking inulinig kayo, at, narito, walang isang makahikayat kay Job, o sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita. | Yea, I attended unto you, and, behold, there was none of you that convinced Job, or that answered his words: |
| 13 | Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan; madadaig ng Dios siya, hindi ng tao; | Lest ye should say, We have found out wisdom: God thrusteth him down, not man. |
| 14 | Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita. | Now he hath not directed his words against me: neither will I answer him with your speeches. |
| 15 | Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi, | They were amazed, they answered no more: they left off speaking. |
| 16 | At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita, sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot. | When I had waited, (for they spake not, but stood still, and answered no more;) |
| 17 | Ako nama'y sasagot ng ganang akin, akin namang ipakikilala ang aking haka. | I said, I will answer also my part, I also will shew mine opinion. |
| 18 | Sapagka't ako'y puspos ng mga salita; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin, | For I am full of matter, the spirit within me constraineth me. |
| 19 | Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan: parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak. | Behold, my belly is as wine which hath no vent; it is ready to burst like new bottles. |
| 20 | Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan: aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako. | I will speak, that I may be refreshed: I will open my lips and answer. |
| 21 | Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita. | Let me not, I pray you, accept any man’s person, neither let me give flattering titles unto man. |
| 22 | Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin. | For I know not to give flattering titles; in so doing my maker would soon take me away. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL