욥기 23장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 17절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | Then Job answered and said, |
| 2 | Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik. | Even to day is my complaint bitter: my stroke is heavier than my groaning. |
| 3 | Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan! | Oh that I knew where I might find him! that I might come even to his seat! |
| 4 | Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran. | I would order my cause before him, and fill my mouth with arguments. |
| 5 | Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin. | I would know the words which he would answer me, and understand what he would say unto me. |
| 6 | Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako. | Will he plead against me with his great power? No; but he would put strength in me. |
| 7 | Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom. | There the righteous might dispute with him; so should I be delivered for ever from my judge. |
| 8 | Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; at sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan: | Behold, I go forward, but he is not there; and backward, but I cannot perceive him: |
| 9 | Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya. | On the left hand, where he doth work, but I cannot behold him: he hideth himself on the right hand, that I cannot see him: |
| 10 | Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto. | But he knoweth the way that I take: when he hath tried me, I shall come forth as gold. |
| 11 | Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko. | My foot hath held his steps, his way have I kept, and not declined. |
| 12 | Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain. | Neither have I gone back from the commandment of his lips; I have esteemed the words of his mouth more than my necessary food. |
| 13 | Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa. | But he is in one mind, and who can turn him? and what his soul desireth, even that he doeth. |
| 14 | Sapagka't kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin: at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya. | For he performeth the thing that is appointed for me: and many such things are with him. |
| 15 | Kaya't ako'y nababagabag sa kaniyang harapan; pagka aking binubulay, ay natatakot ako sa kaniya. | Therefore am I troubled at his presence: when I consider, I am afraid of him. |
| 16 | Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso, at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat: | For God maketh my heart soft, and the Almighty troubleth me: |
| 17 | Sapagka't hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman, ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha. | Because I was not cut off before the darkness, neither hath he covered the darkness from my face. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL