욥기 24장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 25절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya? | Why, seeing times are not hidden from the Almighty, do they that know him not see his days? |
| 2 | May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab. | Some remove the landmarks; they violently take away flocks, and feed thereof. |
| 3 | Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla. | They drive away the ass of the fatherless, they take the widow’s ox for a pledge. |
| 4 | Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama. | They turn the needy out of the way: the poor of the earth hide themselves together. |
| 5 | Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak. | Behold, as wild asses in the desert, go they forth to their work; rising betimes for a prey: the wilderness yieldeth food for them and for their children. |
| 6 | Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama. | They reap every one his corn in the field: and they gather the vintage of the wicked. |
| 7 | Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw. | They cause the naked to lodge without clothing, that they have no covering in the cold. |
| 8 | Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan. | They are wet with the showers of the mountains, and embrace the rock for want of a shelter. |
| 9 | May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha: | They pluck the fatherless from the breast, and take a pledge of the poor. |
| 10 | Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis; | They cause him to go naked without clothing, and they take away the sheaf from the hungry; |
| 11 | Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw. | Which make oil within their walls, and tread their winepresses, and suffer thirst. |
| 12 | Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios. | Men groan from out of the city, and the soul of the wounded crieth out: yet God layeth not folly to them. |
| 13 | Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon. | They are of those that rebel against the light; they know not the ways thereof, nor abide in the paths thereof. |
| 14 | Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. | The murderer rising with the light killeth the poor and needy, and in the night is as a thief. |
| 15 | Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha. | The eye also of the adulterer waiteth for the twilight, saying, No eye shall see me: and disguiseth his face. |
| 16 | Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag, | In the dark they dig through houses, which they had marked for themselves in the daytime: they know not the light. |
| 17 | Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman. | For the morning is to them even as the shadow of death: if one know them, they are in the terrors of the shadow of death. |
| 18 | Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan. | He is swift as the waters; their portion is cursed in the earth: he beholdeth not the way of the vineyards. |
| 19 | Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. | Drought and heat consume the snow waters: so doth the grave those which have sinned. |
| 20 | Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy. | The womb shall forget him; the worm shall feed sweetly on him; he shall be no more remembered; and wickedness shall be broken as a tree. |
| 21 | Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao. | He evil entreateth the barren that beareth not: and doeth not good to the widow. |
| 22 | Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. | He draweth also the mighty with his power: he riseth up, and no man is sure of life. |
| 23 | Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. | Though it be given him to be in safety, whereon he resteth; yet his eyes are upon their ways. |
| 24 | Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay. | They are exalted for a little while, but are gone and brought low; they are taken out of the way as all other, and cut off as the tops of the ears of corn. |
| 25 | At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita? | And if it be not so now, who will make me a liar, and make my speech nothing worth? |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL