욥기 22장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 30절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, | Then Eliphaz the Temanite answered and said, |
| 2 | Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili. | Can a man be profitable unto God, as he that is wise may be profitable unto himself? |
| 3 | May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad? | Is it any pleasure to the Almighty, that thou art righteous? or is it gain to him, that thou makest thy ways perfect? |
| 4 | Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan? | Will he reprove thee for fear of thee? will he enter with thee into judgment? |
| 5 | Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan. | Is not thy wickedness great? and thine iniquities infinite? |
| 6 | Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad. | For thou hast taken a pledge from thy brother for nought, and stripped the naked of their clothing. |
| 7 | Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom. | Thou hast not given water to the weary to drink, and thou hast withholden bread from the hungry. |
| 8 | Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon. | But as for the mighty man, he had the earth; and the honourable man dwelt in it. |
| 9 | Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali. | Thou hast sent widows away empty, and the arms of the fatherless have been broken. |
| 10 | Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo, | Therefore snares are round about thee, and sudden fear troubleth thee; |
| 11 | O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo. | Or darkness, that thou canst not see; and abundance of waters cover thee. |
| 12 | Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila! | Is not God in the height of heaven? and behold the height of the stars, how high they are! |
| 13 | At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman? | And thou sayest, How doth God know? can he judge through the dark cloud? |
| 14 | Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit. | Thick clouds are a covering to him, that he seeth not; and he walketh in the circuit of heaven. |
| 15 | Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao? | Hast thou marked the old way which wicked men have trodden? |
| 16 | Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos: | Which were cut down out of time, whose foundation was overflown with a flood: |
| 17 | Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat? | Which said unto God, Depart from us: and what can the Almighty do for them? |
| 18 | Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin. | Yet he filled their houses with good things: but the counsel of the wicked is far from me. |
| 19 | Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala: | The righteous see it, and are glad: and the innocent laugh them to scorn. |
| 20 | Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy. | Whereas our substance is not cut down, but the remnant of them the fire consumeth. |
| 21 | Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo. | Acquaint now thyself with him, and be at peace: thereby good shall come unto thee. |
| 22 | Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso. | Receive, I pray thee, the law from his mouth, and lay up his words in thine heart. |
| 23 | Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda. | If thou return to the Almighty, thou shalt be built up, thou shalt put away iniquity far from thy tabernacles. |
| 24 | At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis: | Then shalt thou lay up gold as dust, and the gold of Ophir as the stones of the brooks. |
| 25 | At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo. | Yea, the Almighty shall be thy defence, and thou shalt have plenty of silver. |
| 26 | Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios. | For then shalt thou have thy delight in the Almighty, and shalt lift up thy face unto God. |
| 27 | Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata. | Thou shalt make thy prayer unto him, and he shall hear thee, and thou shalt pay thy vows. |
| 28 | Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan. | Thou shalt also decree a thing, and it shall be established unto thee: and the light shall shine upon thy ways. |
| 29 | Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao. | When men are cast down, then thou shalt say, There is lifting up; and he shall save the humble person. |
| 30 | Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay. | He shall deliver the island of the innocent: and it is delivered by the pureness of thine hands. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL