욥기 21장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 34절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | But Job answered and said, |
| 2 | Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan. | Hear diligently my speech, and let this be your consolations. |
| 3 | Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo. | Suffer me that I may speak; and after that I have spoken, mock on. |
| 4 | Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip? | As for me, is my complaint to man? and if it were so, why should not my spirit be troubled? |
| 5 | Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig, | Mark me, and be astonished, and lay your hand upon your mouth. |
| 6 | Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman. | Even when I remember I am afraid, and trembling taketh hold on my flesh. |
| 7 | Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan? | Wherefore do the wicked live, become old, yea, are mighty in power? |
| 8 | Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata. | Their seed is established in their sight with them, and their offspring before their eyes. |
| 9 | Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila. | Their houses are safe from fear, neither is the rod of God upon them. |
| 10 | Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya. | Their bull gendereth, and faileth not; their cow calveth, and casteth not her calf. |
| 11 | Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan, | They send forth their little ones like a flock, and their children dance. |
| 12 | Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta. | They take the timbrel and harp, and rejoice at the sound of the organ. |
| 13 | Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. | They spend their days in wealth, and in a moment go down to the grave. |
| 14 | At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad. | Therefore they say unto God, Depart from us; for we desire not the knowledge of thy ways. |
| 15 | Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya? | What is the Almighty, that we should serve him? and what profit should we have, if we pray unto him? |
| 16 | Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin. | Lo, their good is not in their hand: the counsel of the wicked is far from me. |
| 17 | Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit? | How oft is the candle of the wicked put out! and how oft cometh their destruction upon them! God distributeth sorrows in his anger. |
| 18 | Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo? | They are as stubble before the wind, and as chaff that the storm carrieth away. |
| 19 | Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya. | God layeth up his iniquity for his children: he rewardeth him, and he shall know it. |
| 20 | Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat. | His eyes shall see his destruction, and he shall drink of the wrath of the Almighty. |
| 21 | Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna? | For what pleasure hath he in his house after him, when the number of his months is cut off in the midst? |
| 22 | May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas. | Shall any teach God knowledge? seeing he judgeth those that are high. |
| 23 | Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik: | One dieth in his full strength, being wholly at ease and quiet. |
| 24 | Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig. | His breasts are full of milk, and his bones are moistened with marrow. |
| 25 | At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti. | And another dieth in the bitterness of his soul, and never eateth with pleasure. |
| 26 | Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod. | They shall lie down alike in the dust, and the worms shall cover them. |
| 27 | Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin. | Behold, I know your thoughts, and the devices which ye wrongfully imagine against me. |
| 28 | Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama? | For ye say, Where is the house of the prince? and where are the dwelling places of the wicked? |
| 29 | Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan? | Have ye not asked them that go by the way? and do ye not know their tokens, |
| 30 | Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan? | That the wicked is reserved to the day of destruction? they shall be brought forth to the day of wrath. |
| 31 | Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa? | Who shall declare his way to his face? and who shall repay him what he hath done? |
| 32 | Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan. | Yet shall he be brought to the grave, and shall remain in the tomb. |
| 33 | Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang. | The clods of the valley shall be sweet unto him, and every man shall draw after him, as there are innumerable before him. |
| 34 | Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan, dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan? | How then comfort ye me in vain, seeing in your answers there remaineth falsehood? |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL