욥기 20장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 29절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi, | Then answered Zophar the Naamathite, and said, |
| 2 | Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko. | Therefore do my thoughts cause me to answer, and for this I make haste. |
| 3 | Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin. | I have heard the check of my reproach, and the spirit of my understanding causeth me to answer. |
| 4 | Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa, | Knowest thou not this of old, since man was placed upon earth, |
| 5 | Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang? | That the triumphing of the wicked is short, and the joy of the hypocrite but for a moment? |
| 6 | Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap; | Though his excellency mount up to the heavens, and his head reach unto the clouds; |
| 7 | Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya? | Yet he shall perish for ever like his own dung: they which have seen him shall say, Where is he? |
| 8 | Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi. | He shall fly away as a dream, and shall not be found: yea, he shall be chased away as a vision of the night. |
| 9 | Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook. | The eye also which saw him shall see him no more; neither shall his place any more behold him. |
| 10 | Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan. | His children shall seek to please the poor, and his hands shall restore their goods. |
| 11 | Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok. | His bones are full of the sin of his youth, which shall lie down with him in the dust. |
| 12 | Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila; | Though wickedness be sweet in his mouth, though he hide it under his tongue; |
| 13 | Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig; | Though he spare it, and forsake it not; but keep it still within his mouth: |
| 14 | Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya. | Yet his meat in his bowels is turned, it is the gall of asps within him. |
| 15 | Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan. | He hath swallowed down riches, and he shall vomit them up again: God shall cast them out of his belly. |
| 16 | Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong. | He shall suck the poison of asps: the viper’s tongue shall slay him. |
| 17 | Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya. | He shall not see the rivers, the floods, the brooks of honey and butter. |
| 18 | Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak. | That which he laboured for shall he restore, and shall not swallow it down: according to his substance shall the restitution be, and he shall not rejoice therein. |
| 19 | Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo. | Because he hath oppressed and hath forsaken the poor; because he hath violently taken away an house which he builded not; |
| 20 | Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran. | Surely he shall not feel quietness in his belly, he shall not save of that which he desired. |
| 21 | Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili. | There shall none of his meat be left; therefore shall no man look for his goods. |
| 22 | Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya. | In the fulness of his sufficiency he shall be in straits: every hand of the wicked shall come upon him. |
| 23 | Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain. | When he is about to fill his belly, God shall cast the fury of his wrath upon him, and shall rain it upon him while he is eating. |
| 24 | Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya. | He shall flee from the iron weapon, and the bow of steel shall strike him through. |
| 25 | Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya. | It is drawn, and cometh out of the body; yea, the glittering sword cometh out of his gall: terrors are upon him. |
| 26 | Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. | All darkness shall be hid in his secret places: a fire not blown shall consume him; it shall go ill with him that is left in his tabernacle. |
| 27 | Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya. | The heaven shall reveal his iniquity; and the earth shall rise up against him. |
| 28 | Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan. | The increase of his house shall depart, and his goods shall flow away in the day of his wrath. |
| 29 | Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios. | This is the portion of a wicked man from God, and the heritage appointed unto him by God. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL