욥기 19장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 29절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | Then Job answered and said, |
| 2 | Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita? | How long will ye vex my soul, and break me in pieces with words? |
| 3 | Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin. | These ten times have ye reproached me: ye are not ashamed that ye make yourselves strange to me. |
| 4 | At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili. | And be it indeed that I have erred, mine error remaineth with myself. |
| 5 | Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko: | If indeed ye will magnify yourselves against me, and plead against me my reproach: |
| 6 | Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo. | Know now that God hath overthrown me, and hath compassed me with his net. |
| 7 | Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan. | Behold, I cry out of wrong, but I am not heard: I cry aloud, but there is no judgment. |
| 8 | Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas. | He hath fenced up my way that I cannot pass, and he hath set darkness in my paths. |
| 9 | Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo. | He hath stripped me of my glory, and taken the crown from my head. |
| 10 | Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy. | He hath destroyed me on every side, and I am gone: and mine hope hath he removed like a tree. |
| 11 | Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway, | He hath also kindled his wrath against me, and he counteth me unto him as one of his enemies. |
| 12 | Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda. | His troops come together, and raise up their way against me, and encamp round about my tabernacle. |
| 13 | Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin. | He hath put my brethren far from me, and mine acquaintance are verily estranged from me. |
| 14 | Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan. | My kinsfolk have failed, and my familiar friends have forgotten me. |
| 15 | Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin. | They that dwell in mine house, and my maids, count me for a stranger: I am an alien in their sight. |
| 16 | Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig. | I called my servant, and he gave me no answer; I intreated him with my mouth. |
| 17 | Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina. | My breath is strange to my wife, though I intreated for the children’s sake of mine own body. |
| 18 | Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin: | Yea, young children despised me; I arose, and they spake against me. |
| 19 | Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin, | All my inward friends abhorred me: and they whom I loved are turned against me. |
| 20 | Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin. | My bone cleaveth to my skin and to my flesh, and I am escaped with the skin of my teeth. |
| 21 | Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios, | Have pity upon me, have pity upon me, O ye my friends; for the hand of God hath touched me. |
| 22 | Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman? | Why do ye persecute me as God, and are not satisfied with my flesh? |
| 23 | Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat! | Oh that my words were now written! oh that they were printed in a book! |
| 24 | Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man! | That they were graven with an iron pen and lead in the rock for ever! |
| 25 | Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: | For I know that my redeemer liveth, and that he shall stand at the latter day upon the earth: |
| 26 | At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman: | And though after my skin worms destroy this body, yet in my flesh shall I see God: |
| 27 | Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko. | Whom I shall see for myself, and mine eyes shall behold, and not another; though my reins be consumed within me. |
| 28 | Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin; | But ye should say, Why persecute we him, seeing the root of the matter is found in me? |
| 29 | Mangatakot kayo sa tabak: sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak, upang inyong malaman na may kahatulan. | Be ye afraid of the sword: for wrath bringeth the punishments of the sword, that ye may know there is a judgment. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL