욥기 18장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 21절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, | Then answered Bildad the Shuhite, and said, |
| 2 | Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami. | How long will it be ere ye make an end of words? mark, and afterwards we will speak. |
| 3 | Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin? | Wherefore are we counted as beasts, and reputed vile in your sight? |
| 4 | Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan? | He teareth himself in his anger: shall the earth be forsaken for thee? and shall the rock be removed out of his place? |
| 5 | Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag. | Yea, the light of the wicked shall be put out, and the spark of his fire shall not shine. |
| 6 | Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin. | The light shall be dark in his tabernacle, and his candle shall be put out with him. |
| 7 | Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya. | The steps of his strength shall be straitened, and his own counsel shall cast him down. |
| 8 | Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo. | For he is cast into a net by his own feet, and he walketh upon a snare. |
| 9 | Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya. | The gin shall take him by the heel, and the robber shall prevail against him. |
| 10 | Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan. | The snare is laid for him in the ground, and a trap for him in the way. |
| 11 | Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong. | Terrors shall make him afraid on every side, and shall drive him to his feet. |
| 12 | Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran. | His strength shall be hungerbitten, and destruction shall be ready at his side. |
| 13 | Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap. | It shall devour the strength of his skin: even the firstborn of death shall devour his strength. |
| 14 | Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan. | His confidence shall be rooted out of his tabernacle, and it shall bring him to the king of terrors. |
| 15 | Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan. | It shall dwell in his tabernacle, because it is none of his: brimstone shall be scattered upon his habitation. |
| 16 | Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga. | His roots shall be dried up beneath, and above shall his branch be cut off. |
| 17 | Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan. | His remembrance shall perish from the earth, and he shall have no name in the street. |
| 18 | Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan. | He shall be driven from light into darkness, and chased out of the world. |
| 19 | Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan. | He shall neither have son nor nephew among his people, nor any remaining in his dwellings. |
| 20 | Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot. | They that come after him shall be astonied at his day, as they that went before were affrighted. |
| 21 | Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios. | Surely such are the dwellings of the wicked, and this is the place of him that knoweth not God. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL