욥기 17장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 16절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin. | My breath is corrupt, my days are extinct, the graves are ready for me. |
| 2 | Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi. | Are there not mockers with me? and doth not mine eye continue in their provocation? |
| 3 | Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin? | Lay down now, put me in a surety with thee; who is he that will strike hands with me? |
| 4 | Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas. | For thou hast hid their heart from understanding: therefore shalt thou not exalt them. |
| 5 | Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata. | He that speaketh flattery to his friends, even the eyes of his children shall fail. |
| 6 | Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha. | He hath made me also a byword of the people; and aforetime I was as a tabret. |
| 7 | Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino. | Mine eye also is dim by reason of sorrow, and all my members are as a shadow. |
| 8 | Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal. | Upright men shall be astonied at this, and the innocent shall stir up himself against the hypocrite. |
| 9 | Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas. | The righteous also shall hold on his way, and he that hath clean hands shall be stronger and stronger. |
| 10 | Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo. | But as for you all, do ye return, and come now: for I cannot find one wise man among you. |
| 11 | Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. | My days are past, my purposes are broken off, even the thoughts of my heart. |
| 12 | Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman. | They change the night into day: the light is short because of darkness. |
| 13 | Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: | If I wait, the grave is mine house: I have made my bed in the darkness. |
| 14 | Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; | I have said to corruption, Thou art my father: to the worm, Thou art my mother, and my sister. |
| 15 | Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? | And where is now my hope? as for my hope, who shall see it? |
| 16 | Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. | They shall go down to the bars of the pit, when our rest together is in the dust. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL