욥기 16장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | Then Job answered and said, |
| 2 | Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat. | I have heard many such things: miserable comforters are ye all. |
| 3 | Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot? | Shall vain words have an end? or what emboldeneth thee that thou answerest? |
| 4 | Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo. | I also could speak as ye do: if your soul were in my soul’s stead, I could heap up words against you, and shake mine head at you. |
| 5 | Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap, | But I would strengthen you with my mouth, and the moving of my lips should asswage your grief. |
| 6 | Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin? | Though I speak, my grief is not asswaged: and though I forbear, what am I eased? |
| 7 | Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong. | But now he hath made me weary: thou hast made desolate all my company. |
| 8 | At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha. | And thou hast filled me with wrinkles, which is a witness against me: and my leanness rising up in me beareth witness to my face. |
| 9 | Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway. | He teareth me in his wrath, who hateth me: he gnasheth upon me with his teeth; mine enemy sharpeneth his eyes upon me. |
| 10 | Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin. | They have gaped upon me with their mouth; they have smitten me upon the cheek reproachfully; they have gathered themselves together against me. |
| 11 | Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama. | God hath delivered me to the ungodly, and turned me over into the hands of the wicked. |
| 12 | Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya. | I was at ease, but he hath broken me asunder: he hath also taken me by my neck, and shaken me to pieces, and set me up for his mark. |
| 13 | Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa. | His archers compass me round about, he cleaveth my reins asunder, and doth not spare; he poureth out my gall upon the ground. |
| 14 | Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako. | He breaketh me with breach upon breach, he runneth upon me like a giant. |
| 15 | Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok. | I have sewed sackcloth upon my skin, and defiled my horn in the dust. |
| 16 | Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan; | My face is foul with weeping, and on my eyelids is the shadow of death; |
| 17 | Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis, | Not for any injustice in mine hands: also my prayer is pure. |
| 18 | Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing. | O earth, cover not thou my blood, and let my cry have no place. |
| 19 | Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan. | Also now, behold, my witness is in heaven, and my record is on high. |
| 20 | Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios; | My friends scorn me: but mine eye poureth out tears unto God. |
| 21 | Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa. | O that one might plead for a man with God, as a man pleadeth for his neighbour! |
| 22 | Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan. | When a few years are come, then I shall go the way whence I shall not return. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL