욥기 15장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, | Then answered Eliphaz the Temanite, and said, |
| 2 | Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan? | Should a wise man utter vain knowledge, and fill his belly with the east wind? |
| 3 | Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti? | Should he reason with unprofitable talk? or with speeches wherewith he can do no good? |
| 4 | Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. | Yea, thou castest off fear, and restrainest prayer before God. |
| 5 | Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha. | For thy mouth uttereth thine iniquity, and thou choosest the tongue of the crafty. |
| 6 | Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. | Thine own mouth condemneth thee, and not I: yea, thine own lips testify against thee. |
| 7 | Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? | Art thou the first man that was born? or wast thou made before the hills? |
| 8 | Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili? | Hast thou heard the secret of God? and dost thou restrain wisdom to thyself? |
| 9 | Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin? | What knowest thou, that we know not? what understandest thou, which is not in us? |
| 10 | Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama. | With us are both the grayheaded and very aged men, much elder than thy father. |
| 11 | Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo? | Are the consolations of God small with thee? is there any secret thing with thee? |
| 12 | Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata? | Why doth thine heart carry thee away? and what do thy eyes wink at, |
| 13 | Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. | That thou turnest thy spirit against God, and lettest such words go out of thy mouth? |
| 14 | Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? | What is man, that he should be clean? and he which is born of a woman, that he should be righteous? |
| 15 | Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. | Behold, he putteth no trust in his saints; yea, the heavens are not clean in his sight. |
| 16 | Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig! | How much more abominable and filthy is man, which drinketh iniquity like water? |
| 17 | Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag: | I will shew thee, hear me; and that which I have seen I will declare; |
| 18 | (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid; | Which wise men have told from their fathers, and have not hid it: |
| 19 | Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:) | Unto whom alone the earth was given, and no stranger passed among them. |
| 20 | Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati. | The wicked man travaileth with pain all his days, and the number of years is hidden to the oppressor. |
| 21 | Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam: | A dreadful sound is in his ears: in prosperity the destroyer shall come upon him. |
| 22 | Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak: | He believeth not that he shall return out of darkness, and he is waited for of the sword. |
| 23 | Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay: | He wandereth abroad for bread, saying, Where is it? he knoweth that the day of darkness is ready at his hand. |
| 24 | Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka; | Trouble and anguish shall make him afraid; they shall prevail against him, as a king ready to the battle. |
| 25 | Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat; | For he stretcheth out his hand against God, and strengtheneth himself against the Almighty. |
| 26 | Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag; | He runneth upon him, even on his neck, upon the thick bosses of his bucklers: |
| 27 | Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi; | Because he covereth his face with his fatness, and maketh collops of fat on his flanks. |
| 28 | At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton. | And he dwelleth in desolate cities, and in houses which no man inhabiteth, which are ready to become heaps. |
| 29 | Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik. | He shall not be rich, neither shall his substance continue, neither shall he prolong the perfection thereof upon the earth. |
| 30 | Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya. | He shall not depart out of darkness; the flame shall dry up his branches, and by the breath of his mouth shall he go away. |
| 31 | Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya. | Let not him that is deceived trust in vanity: for vanity shall be his recompence. |
| 32 | Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa. | It shall be accomplished before his time, and his branch shall not be green. |
| 33 | Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo. | He shall shake off his unripe grape as the vine, and shall cast off his flower as the olive. |
| 34 | Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan. | For the congregation of hypocrites shall be desolate, and fire shall consume the tabernacles of bribery. |
| 35 | Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya. | They conceive mischief, and bring forth vanity, and their belly prepareth deceit. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL