시편 9편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. | I will praise thee, O Lord, with my whole heart; I will shew forth all thy marvellous works. |
| 2 | Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. | I will be glad and rejoice in thee: I will sing praise to thy name, O thou most High. |
| 3 | Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. | When mine enemies are turned back, they shall fall and perish at thy presence. |
| 4 | Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. | For thou hast maintained my right and my cause; thou satest in the throne judging right. |
| 5 | Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. | Thou hast rebuked the heathen, thou hast destroyed the wicked, thou hast put out their name for ever and ever. |
| 6 | Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. | O thou enemy, destructions are come to a perpetual end: and thou hast destroyed cities; their memorial is perished with them. |
| 7 | Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. | But the Lord shall endure for ever: he hath prepared his throne for judgment. |
| 8 | At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. | And he shall judge the world in righteousness, he shall minister judgment to the people in uprightness. |
| 9 | Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; | The Lord also will be a refuge for the oppressed, a refuge in times of trouble. |
| 10 | At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. | And they that know thy name will put their trust in thee: for thou, Lord, hast not forsaken them that seek thee. |
| 11 | Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. | Sing praises to the Lord, which dwelleth in Zion: declare among the people his doings. |
| 12 | Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha. | When he maketh inquisition for blood, he remembereth them: he forgetteth not the cry of the humble. |
| 13 | Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan; | Have mercy upon me, O Lord; consider my trouble which I suffer of them that hate me, thou that liftest me up from the gates of death: |
| 14 | Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas. | That I may shew forth all thy praise in the gates of the daughter of Zion: I will rejoice in thy salvation. |
| 15 | Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli. | The heathen are sunk down in the pit that they made: in the net which they hid is their own foot taken. |
| 16 | Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah) | The Lord is known by the judgment which he executeth: the wicked is snared in the work of his own hands. Higgaion. Selah. |
| 17 | Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. | The wicked shall be turned into hell, and all the nations that forget God. |
| 18 | Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man. | For the needy shall not alway be forgotten: the expectation of the poor shall not perish for ever. |
| 19 | Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin. | Arise, O Lord; let not man prevail: let the heathen be judged in thy sight. |
| 20 | Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah) | Put them in fear, O Lord: that the nations may know themselves to be but men. Selah. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL