시편 10편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 18절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? | Why standest thou afar off, O Lord? why hidest thou thyself in times of trouble? |
| 2 | Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. | The wicked in his pride doth persecute the poor: let them be taken in the devices that they have imagined. |
| 3 | Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. | For the wicked boasteth of his heart’s desire, and blesseth the covetous, whom the Lord abhorreth. |
| 4 | Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios. | The wicked, through the pride of his countenance, will not seek after God: God is not in all his thoughts. |
| 5 | Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. | His ways are always grievous; thy judgments are far above out of his sight: as for all his enemies, he puffeth at them. |
| 6 | Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. | He hath said in his heart, I shall not be moved: for I shall never be in adversity. |
| 7 | Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. | His mouth is full of cursing and deceit and fraud: under his tongue is mischief and vanity. |
| 8 | Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. | He sitteth in the lurking places of the villages: in the secret places doth he murder the innocent: his eyes are privily set against the poor. |
| 9 | Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. | He lieth in wait secretly as a lion in his den: he lieth in wait to catch the poor: he doth catch the poor, when he draweth him into his net. |
| 10 | Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. | He croucheth, and humbleth himself, that the poor may fall by his strong ones. |
| 11 | Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. | He hath said in his heart, God hath forgotten: he hideth his face; he will never see it. |
| 12 | Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha. | Arise, O Lord; O God, lift up thine hand: forget not the humble. |
| 13 | Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin? | Wherefore doth the wicked contemn God? he hath said in his heart, Thou wilt not require it. |
| 14 | Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila. | Thou hast seen it; for thou beholdest mischief and spite, to requite it with thy hand: the poor committeth himself unto thee; thou art the helper of the fatherless. |
| 15 | Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. | Break thou the arm of the wicked and the evil man: seek out his wickedness till thou find none. |
| 16 | Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. | The Lord is King for ever and ever: the heathen are perished out of his land. |
| 17 | Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: | Lord, thou hast heard the desire of the humble: thou wilt prepare their heart, thou wilt cause thine ear to hear: |
| 18 | Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa. | To judge the fatherless and the oppressed, that the man of the earth may no more oppress. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL