시편 8편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 9절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. | O Lord our Lord, how excellent is thy name in all the earth! who hast set thy glory above the heavens. |
| 2 | Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. | Out of the mouth of babes and sucklings hast thou ordained strength because of thine enemies, that thou mightest still the enemy and the avenger. |
| 3 | Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; | When I consider thy heavens, the work of thy fingers, the moon and the stars, which thou hast ordained; |
| 4 | Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? | What is man, that thou art mindful of him? and the son of man, that thou visitest him? |
| 5 | Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. | For thou hast made him a little lower than the angels, and hast crowned him with glory and honour. |
| 6 | Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: | Thou madest him to have dominion over the works of thy hands; thou hast put all things under his feet: |
| 7 | Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; | All sheep and oxen, yea, and the beasts of the field; |
| 8 | Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. | The fowl of the air, and the fish of the sea, and whatsoever passeth through the paths of the seas. |
| 9 | Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! | O Lord our Lord, how excellent is thy name in all the earth! |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL