시편 95편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 11절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. | O come, let us sing unto the Lord: let us make a joyful noise to the rock of our salvation. |
| 2 | Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. | Let us come before his presence with thanksgiving, and make a joyful noise unto him with psalms. |
| 3 | Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios, | For the Lord is a great God, and a great King above all gods. |
| 4 | Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin. | In his hand are the deep places of the earth: the strength of the hills is his also. |
| 5 | Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa. | The sea is his, and he made it: and his hands formed the dry land. |
| 6 | Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. | O come, let us worship and bow down: let us kneel before the Lord our maker. |
| 7 | Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig! | For he is our God; and we are the people of his pasture, and the sheep of his hand. To day if ye will hear his voice, |
| 8 | Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang: | Harden not your heart, as in the provocation, and as in the day of temptation in the wilderness: |
| 9 | Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko. | When your fathers tempted me, proved me, and saw my work. |
| 10 | Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan: | Forty years long was I grieved with this generation, and said, It is a people that do err in their heart, and they have not known my ways: |
| 11 | Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. | Unto whom I sware in my wrath that they should not enter into my rest. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL