시편 96편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 13절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. | O sing unto the Lord a new song: sing unto the Lord, all the earth. |
| 2 | Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. | Sing unto the Lord, bless his name; shew forth his salvation from day to day. |
| 3 | Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. | Declare his glory among the heathen, his wonders among all people. |
| 4 | Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios. | For the Lord is great, and greatly to be praised: he is to be feared above all gods. |
| 5 | Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit. | For all the gods of the nations are idols: but the Lord made the heavens. |
| 6 | Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario. | Honour and majesty are before him: strength and beauty are in his sanctuary. |
| 7 | Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. | Give unto the Lord, O ye kindreds of the people, give unto the Lord glory and strength. |
| 8 | Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban. | Give unto the Lord the glory due unto his name: bring an offering, and come into his courts. |
| 9 | Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa. | O worship the Lord in the beauty of holiness: fear before him, all the earth. |
| 10 | Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan. | Say among the heathen that the Lord reigneth: the world also shall be established that it shall not be moved: he shall judge the people righteously. |
| 11 | Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon; | Let the heavens rejoice, and let the earth be glad; let the sea roar, and the fulness thereof. |
| 12 | Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya; kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat; | Let the field be joyful, and all that is therein: then shall all the trees of the wood rejoice |
| 13 | Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating: sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan. | Before the Lord: for he cometh, for he cometh to judge the earth: he shall judge the world with righteousness, and the people with his truth. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL